top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga dilawan, ready na? PAGPATAY KAY NINOY NA MGA MARCOS ANG ITINUTURO, ILALABAS SA PART 2 NG MIM

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 9, 2022
2 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | August 9, 2022



Ayaw paawat sa box office ang Maid in Malacañang dahil may P140M gross na ito sa five days showing at ang Sunday gross nga, ayon sa report ng Viva Films, umabot sa P40M.


Sa SM Fairview nga lang, P1M ang box office gross buong araw. Eh, tatagal pa ang showing nito dahil ang dami pang gustong manood.


Dahil sa magandang resulta sa takilya, gagawin na yata ni Director Darryl Yap ang second installment na may title na Mystery o Murder o MoM. Mas magre-react dito ang mga Aquino loyalists at anti-Marcos dahil tungkol ito sa akusasyon sa mga Marcos na sila ang nasa likod ng assassination kay Ninoy Aquino.


Sa isang interview, nabanggit ni Direk Darryl na gagawin nila ang MoM kapag ang aktor na ipo-post niya ang picture sa Facebook ay tinanggap ang project.


May parang sketch nang ipinost sa FB at isyu sa mga netizens kung sino ang kamukha nito. May ang tingin ay kamukha ni Herbert Bautista at may tinging si Phillip Salvador daw ang kamukha ng sketch. Wala pa namang violent reaction mula kina Herbert at Phillip.


Kung tatanggapin ng gustong aktor ni Direk Darryl ang role ni Ninoy Aquino, mag-expect na siya ng bashing, pati na ang ibang cast na mapapasama sa MoM. ‘Di bale si Direk Darryl at sanay na.


May mga tanong lang na bakit hindi kasama sa ipinapa-cancel ang Viva Films na producer ng MiM at ang SM Malls?


Si Hans Sy daw ng SM ang nag-suggest kina Sen. Imee Marcos at Viva na sa mga sinehan ipalabas ang movie at hindi sa unang plano na sa Vivamax, para raw bumalik ang mga tao sa mga sinehan, na nangyari nga.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page