top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga DDS, todo-novena para makumbinse si Mayor Sara na tumakbong pangulo

BULGAR
Sep 25, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 25, 2021


MARCOS-DUTERTE SA ELEKSIYON 2022—Matapos tanggapin at lagdaan ni P-Duterte ang nominasyon sa kanya ng PDP-Laban (Cusi wing) sa pagkandidatong VP ng bansa ay inendorso naman ng KBL (Kilusang Bagong Lipunan) si ex-Sen. Bongbong Marcos na pansabak nila sa 2022 presidential election.


Sa ngayon ay wala pang pormal na tandem si P-Duterte, kasi ayaw ni Mayor Sara Duterte-Carpio na tandem ang kanyang ama, samantalang, tila ayaw naman kumandidatong pangulo ni Sen. Bong Go, at sa kabilang banda ay wala namang iniendorso ang KBL na kandidato sa pagka-VP.

Hindi kaya ang kabagsakan niyan sa filing ng candidacy ay magsanib-puwersa na sina Marcos at P-Duterte bilang magkatandem sa 2022 election?


Kapag nangyari ‘yan ay ikatutuwa ng mga loyalista at DDS ‘yan kasi sa simula pa lang.

‘Yan talaga ang gusto nilang tanden, Marcos-Duterte sa 2022, abangan!


◘◘◘


MGA DDS, NATUWA NANG MURAHIN AT ALIPUSTAHIN NI P-DUTERTE ANG DIYOS, PERO NGAYON AY TODO-NOVENA PARA PATAKBUHING PANGULO SI MAYOR SARA—Nagsimula na ang mga DDS ng siyam na araw na pagdaraos ng novena para makumbinse si Presidential daughter, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na kumandidato sa pagka-pangulo.


Kita n’yo ang asal ng mga DDS? Noong murahin at alipustahin ni P-Duterte ang Diyos, tuwang-tuwa ang mga DDS, pero ngayon ay ginagamit ng mga DDS ang Diyos sa pamamagitan ng novena para kumbinsihin si Mayor Sara na kumandidatong pangulo, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


DAPAT SUMABAK SI VP LENI SA PAGKA-PANGULO PARA MATIYAK NA MAY KALABAN ANG DUTERTE ADMINISTRATION SA 2022 ELECTION—Dapat magdeklara na si VP Leni Robredo at kanyang magiging katandem na lalahok sila sa 2022 presidential election para matiyak na may kalaban talaga ang administrasyong Duterte sa halalang 2022.


Nasabi natin ito kasi ang mga nagsipagdeklara na ng pagtakbong pangulo at VP ay mga dating kaalyado sa pulitika ni P-Duterte, tulad ng Lacson-Sotto tandem, Moreno-Ong tandem at Sen. Manny Pacquiao (wala pang katandem).


Ano ang puwedeng mangyari kapag hindi lumahok sa presidential election si VP Leni, at biglang i-withdraw nina Lacson, Sotto, Isko, Doc at Pacquiao kanilang kandidatura kasi nga mga pro-Duterte naman sila dati? Ang mangyayari, unopposed si P-Duterte sa pagka-VP at manok niya sa pagka-pangulo, walang kalaban, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page