top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga DDS na natuwa sa pagkamatay ni ex-P-Noy, panira sa kandidatura ng team Duterte

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 26, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 26, 2021



PAGBUBUNYI NG MGA DDS SA PAGKAMATAY NI EX-P-NOY, MAGBU-BOOMERANG SA KANDIDATURA NG TEAM DUTERTE—Kung may mga nalungkot sa pagyao ni dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III, may mga natuwa rin, at ang mga nagbunyi sa pagkamatay ng dating pangulo ay ang mga DDS o ang mga tagasuporta ng kasalukuyang pangulo.


Sa mga balita sa social media ng pagkamatay ng dating pangulo, inulan ito ng “ha-ha” reactions mula sa mga DDS.


Ang pagbubunyi ng mga DDS ay magbu-boomerang sa kandidatura ng team Duterte sa halalan 2022 dahil kita sa social media na nagalit ang mga netizens sa mga tagasuporta ni P-Duterte dahil wala namang dapat ipagbunyi ang nangyaring ‘to, period!


◘◘◘


MALI NA BAYARAN NG P900-K MULA SA PERA NG BAYAN ANG DDS HEAD TROLLS PARA LANG I-“FAKE NEWS” ANG MAMAMAYAN—Kumpirmadong kinuha ni Finance Sec. Carlos Dominguez ang serbisyo ng umano’y DDS trolls head na si Nic Gabunada, kapalit ng halagang higit P900-K bilang communication strategist ng finance department.


Binansagang “DDS trolls head” si Gabunada dahil nabisto ng Facebook na ito ang may kontrol sa sangkaterbang FB accounts na nagpapakalat umano ng fake news sa social media.


Sa totoo lang, hindi katanggap-tanggap ang ginawang ‘to ni Sec. Dominguez kasi pera ng bayan ang gagamiting pambayad kay Gabunada para magpakalat ulit ng fake news, buwisit!


◘◘◘


BATIKOS KAY P-DUTERTE, PAPURI NAMAN KAY VP LENI—Kung batikos ang inabot ni P-Duterte sa banta niyang ipakukulong ang mga ayaw magpabakuna, napupuri naman si Vice-Pres. Leni Robredo sa panghihikayat niya na may P500 gas incentives ang mga riders at sa mga tsuper na magpabakuna o lalahok sa vaccines express.


Dahil d’yan, ikinumpara ng netizens sa mag-asawa ang pangulo at VP, malupit umanong erpat si P-Duterte at mapag-aruga namang ermat si VP Leni, boom!


◘◘◘


KUNG HINDI ALAM ANG “DISKARTENG VP LENI”, MAG-SEMINAR DAPAT SA OVP ANG MGA TAO NI P-DUTERTE—Sa totoo lang, sa laki ng budget ng pamahalaan na nasa kontrol ni P-Duterte, bukod pa sa higit P2 trilyong inutang sa mga World’s Financial Institutions, kaya ng Duterte gov’t. na magbigay ng incentives kapalit ng pagpapabakuna.


‘Ika nga, kung kaya ng OVP (Office the the Vice President) na may maliit na budget, at ng mga foundations at organizations partner ni VP Lenin a magbigay ng incentives, mas kaya ito ng Duterte gov’t.


Ngayon, kung hindi alam ng mga tao ni P-Duterte sa Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH) ang gagawin, simple lang ‘yan, mag-seminar sila sa OVP, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page