Mga damit, for sale na… MARIEL, AYAW NANG NAG-UULIT NG DAMIT
ni Nitz Miralles - @Bida | October 23, 2022

Nabanggit ni Mariel Padilla na malapit na niyang ibenta ang mga damit niya. Marami raw siyang mga damit na hindi na niya naisusuot dahil maliit na sa kanya, hindi na magkasya, kaya naisip niyang isama na rin sa mga susunod niyang live selling.
Parang hindi na raw babalik ang pagiging payat niya at sa halip na maluma lang ang mga damit, ibebenta na lang niya at marami pa ang makikinabang.
Siguradong ang daming naipong damit ni Mariel dahil may paniwala siyang hindi dapat nag-uulit ng damit ang isang artista, lalo na kung may regular TV show dahil tatandaan ‘yun ng viewers at mapupuna siya.
Nagbago lang ang paniniwala ni Mariel nang maging nanay na siya, naging praktikal siya at nag-uulit ng damit. Isinusuot na niya ang mga damit na nasuot na niya at wala namang namba-bash sa kanya.





Comments