Kung dati, sukang-suka, ZEINAB, GAME NANG MAKA-FACE-TO-FACE ANG EX NA SI SKUSTA
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 24, 2023

Sasabak na sa isang show kaya todo-todo ang acting workshop ng kilalang social media influencer na si Zeinab Harake, base na rin sa mga larawang ipino-post ng Aguila Entertainment na pag-aari ng mag-inang Becky at Katrina Aguila.
Si Zeinab ang pinaka-bunso nilang artist at dahil wala itong experience sa pag-arte kaya’t isinalang nila ito sa workshop, pati sa personality development, para sa tamang pagkilos at pananalita.
Alam naman ng lahat na iba ang pananalita ni Zeinab kapag napapanood siya sa kanyang YouTube channel at lahat ng ito ay kailangan niyang i-tame o baguhin nang konti lalo na’t gusto niyang pasukin ang showbiz.
May ipinadalang video clip sa amin na sample ng workshop ni Zeinab na umiiyak pa at mukhang effective siya dahil na rin siguro sa mga bubog niya sa buhay.
Samantala, magandang impluwensiya sa kanya ang boyfriend na si Bobby Parks, Jr. dahil tila pinayuhan siyang harapin na nito ang ama ng anak niyang si Bia na si Skusta Clee dahil nagsabi si Zeinab na handa na niyang kausapin ang dating karelasyon.
Dati-rati kasi ay ayaw niyang makita o marinig man lang ang pangalan ni Skusta, pero ngayon ay nabago na ang pananaw niya.





Comments