top of page

Mga co-stars sa Probinsyano, todo-greet… COCO, 'DI BINATI NI JULIA SA B-DAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 2, 2022
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 2, 2022



Kahit tapos na ang FPJ’s Ang Probinsyano ay hindi nakalimot ang mga cast na batiin ang direktor at co-actor nilang si Coco Martin sa kaarawan nito kahapon, Nov. 1.


Kani-kanyang post ng birthday greetings sa social media accounts nila ang mga kasamahan ni Coco.


“Blessed birthday paps! Stay safe and healthy. Dasal ko ang kalusugan at kapayapaan sa iyong buhay,” pagbati ni John Prats.


Sa mensahe naman ni John Estrada ay nagpahaging siya sa estado ng private life ni Coco.


“Sa mahal naming kaibigan, ipagpatuloy mo ang iyong pagkinang na parang isang diamante sa pribado mong buhay, at sa industriyang ginagalawan mo, nag-iisa ka lang. Mahal ka namin, love u, Co. Happy, happy birthday,” ang birthday message ni John.


Pagbati naman ni Rosanna Roces, “Happy birthday @cocomartin_ph Nawa'y lahat ng idinadasal mo at lahat ng para sa 'yo ay ibigay ni Lord. Ingatan mo lagi ang sarili mo at marami ang umaasa sa 'yo. Kasingdami din naming nagmamahal sa 'yo. We love you, Happy birthday!!!”


Sey naman ni John Arcilla, “Happy birthday @cocomartin_ph. Tingnan mo naman (ang) haba ng pinagdaanan natin. Sa hirap at ginhawa. Cheers!!! Wishing you all the best!”


Inalala naman ni Raymart Santiago ang mga pinagsamahan nila ni Coco sa apat na taon.


“Sa halos na apat na taon nating pagsasama, marami na rin tayong mga pinagdaanang kasiyahan, kalungkutan, kalokohan, at habambuhay kong baon ang mga iyon sa puso ko. Nandito lang ako na gagabay sa 'yo. Maligayang kaarawan, mahal kong kaibigan,” mensahe ni Raymart.


Nag-effort din si Michael de Mesa na mag-post ng reel sa Instagram ng larawan nila ni Coco at nilagyan pa niya ng music na You’ve Got a Friend in Me.


Mensahe niya, “Happy birthday, Co! May you continue to shine bright and be an inspiration to others. God bless you and keep you always! Love you so much! – Tito Mike.”


Nag-post din ng kanilang pagbati sina Marc Solis, John Medina, Mark Lapid, CJ Ramos at Rowell Santiago.


Ramdam na ramdam sa mga co-stars ni Coco ang pagmamahal at malaking respeto nila sa aktor.


Dito pa lang ay makikita mo na kung gaano rin na-touch ni Coco ang kanilang buhay.


As we write ay wala pang birthday greetings kay Coco ang kanyang rumored girlfriend na si Julia Montes na for sure ay marami ang nag-aabang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page