top of page
Pokwang.jpg

Mga co-hosts, shocked!... BAYANI AT BILLY, MUNTIK MAGSUNTUKAN SA STAGE PARA LANG SA RATING NG SHOW

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 18, 2020
1 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 18, 2020




Kasalukuyang nasa virtual mediacon kami nitong Lunes nang gabi para sa pelikulang Boyette ni Zaijian Jaranilla nang kumalat ang video na tinabig ni Bayani Agbayani si Billy Crawford sa stage ng Lunch Out Loud sabay walkout na ikinagulat ng mga co-hosts nilang sina KC Montero, Wacky Kiray, Valerie Concepcion, Macoy Dubs, Ariel Rivera, Jeff Tam at Alex Gonzaga.


Galit na galit si Bayani kay Billy habang kinakalma siya ng babaeng staff at marshal, pero biglang pumunta ng stage at akmang susuntukin ang kapwa host na nakahanda naman that time. Napanood kahapon (Martes) ang nasabing taped episode ng LOL sa TV5.


Kitang-kitang natakot ang ibang hosts sa posibilidad na magpang-abot ang dalawa kaya inawat na kaagad sila ng marshal. Kitang ninerbiyos ang ibang kasama nila, at sinabihan naman ni Ariel sina Bayani at Billy ng "Tama na."


Nang napansin na nina Bayani at Billy na seryoso na ang lahat ay saka sila sabay tumawa.


Prank lang pala!


Sabi ni Billy, “Ganu’n po kami rito, ang pikon, talo.”


Kuwento naman ng taga-production ay wala silang alam sa nangyari dahil pati sila, nagulat din. Sa madaling salita, adlib nina Billy at Bayani ang kunwaring away nila.


In fairness, bumenta ang drama ng dalawa para lang mapansin ang programa nilang Lunch Out Loud, hahaha! At sana, nakatulong ito para sa ratings nila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page