top of page
Gerald Anderson, Kim Chiu, Julia Barretto at Bea Alonzo - IG.jpg

Mga bumabanat sa kanya, niresbakan… KOBE, UMAMING ILANG BESES PINAGTANGKAAN ANG SARILI

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | October 7, 2026



Kobe Paras - IG

Photo: Kobe Paras - IG



Nagpasalamat ang basketbolista-aktor na si Kobe Paras sa mga taong patuloy na nagpapakita sa kanya ng suporta at tunay na pagmamahal sa kabila ng mga puna na natatanggap niya online.


Sa kanyang post, ipinahayag ni Kobe na nais niyang mamuhay ayon sa sarili niyang paniniwala at hindi hahayaang maimpluwensiyahan ng mga komento ng ibang tao ang direksiyon ng kanyang buhay.


Aniya, “I’m going to say this once since I’ve been reflecting a lot. I love my locals. I’m grateful for all the connections and conversations I’ve made. I appreciate those who show genuine love.”


Direkta rin siyang nagbigay ng mensahe sa mga taong patuloy na nagsasalita tungkol sa kanya at nagbibigay ng opinyon sa kanyang buhay.


Aniya, “But to you other locals who talk down on my name and to those that continue to find things to talk sh*t about me, respectfully f*ck you and f*ck what you stand for.”


Dagdag pa niya, “When I die, I hope it brings joy in your life. But for now that I’m still breathing, I’m going to live my life the way I want to live it.”


Sa parehong mensahe, binanggit ni Kobe ang isang sensitibong bahagi ng kanyang pinagdaanan.


Aniya pa, “I’ve tried ending my life a few times, so trust me when I say your opinions about me don’t matter.”


Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Kobe tungkol sa mga pagkakataong tinukoy niya. Sinabi niyang naiirita siya sa mga opinyon ng mga taong hindi naman siya tunay na kilala.


Ani Kobe, “It just irritates me because none of you know me. There’s only a few people that really know who I am and I’m going to keep it that way.”


Matatandaang pinagpiyestahan si Kobe dahil sa iba’t ibang usapin noong Marso 2026 nang mahiwalay sa aktres na si Kyline Alcantara.


Nagsalita ang ama niyang si Benjie Paras at kapatid na si Andre tungkol sa pagkakadawit ng basketball player sa kumakalat na sensitibong video. 


Mariin nilang itinanggi na si Kobe ang nasa screenshot na kumalat online. Nanawagan sila sa publiko na maging mapanuri sa mga balitang nakikita online.





Anak ni Zoren, parang naglalaro lang daw… 

MICHAEL, TANGGAP NG MADLANG PIPOL NA KAPALIT NI MAVY BILANG HOST SA PBB COLLAB 3.0



Tuwang-tuwa ang mga netizens na kasama sa mga hosts ng bagong edition ng Pinoy Big Brother (PBB), ang PBB Collab 3.0, si Michael Sager. 


Inanunsiyo ng programa sa social media na makakasama ni Michael sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Enchong Dee at Alexa Ilacad.

Ibinahagi ng aktor ang kanyang excitement sa bagong assignment.


“Hello, Philippines and hello, world, we are so back! Grateful to be given a new task by Kuya… this time as his host,” sey niya.


Marami ang natuwa sa pagkakapili kay Michael bilang bagong host.

Komento ng mga netizens, “Mas magaling s’ya mag-host, ‘di pa corny.”

“Buti naman, mapapalitan na ‘yung mama’s boy (laughing emoji).”

“Kaya pala mawawala sa Born to Shine.”

“Mas okay ‘to!”

“Galing n’ya kasing mag-host. Congrats, #MichaelSager!”

“Tinanggal na ‘yung anak ni Zoren (Legaspi). Para kasing naglalaro lang.”


Si Michael ay GMA artist, kaya muli na namang tampok sa bagong edition ng PBB ang pakikipagtulungan ng ABS-CBN sa GMA Network.


Nagsimula ang partnership ng dalawang networks sa unang PBB Celebrity Collab Edition noong 2025, kung saan sina Brent Manalo at Mika Salamanca ang itinanghal na Big Winner duo.


Sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0, sina Lella Ford at Caprice Cayetano naman ang naging Big Winners.


Pinagsama sa dalawang edition ang mga artista mula sa Star Magic at Sparkle bilang housemates sa loob ng Bahay ni Kuya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page