Mga botante, mahilig naman daw sa sikat… ANGEL AT PIOLO, PINATATAKBONG SENADOR
- BULGAR
- Jun 13, 2023
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | June 13, 2023

Nag-tweet ang former COMELEC commissioner na si Rowena Guanzon kung sino ang mga top candidates na gusto niyang tumakbo sa susunod na senatorial election.
Say niya, “My wish list for senators (partial) @iampinglacson, Gov. Vilma Santos, Vice Ganda (FEU grad), John Arcilla.”
Comment ng netizen, hindi raw naka-graduate ang It’s Showtime host na si Vice Ganda, “Hindi po naka-graduate si Meme Vice.”
Pero hirit ng isa pang netizen, “Naka-graduate ba ‘yung president at 'yung number 1 daw na senator?”
May nag-suggest naman ng name ng “semi-retired” actress na si Angel Locsin.
“Angel Locsin na rin po. Since artista na rin lang ang labanan at ‘di na mababago ang nakasanayan ng mga Pinoy voters na popularity game at hindi na competence and excellence ang labanan, at least ‘yung may kunsensiya na artista na lang. Pinoy voters are the worst, wala na yatang magbabago pa.”
Pati si Piolo Pascual, gusto ring patakbuhin ng mga netizens sa susunod na senatorial election.
“Piolo Pascual na rin — smarter & more idealistic than the current batch of senators.”
“Angel Locsin, Luis or Edu Manzano, Vilma Santos, we can even add Kris Aquino, if she gets better. Kiko Pangilinan, Leni Robredo, and Chel Diokno.”
May nag-suggest din na tumakbong senador ang nasabing former COMELEC commissioner.
Hirit naman ng isang netizen, “‘Wag nang action star po, nagiging komedyante sa Senado.
Hahahaha!”
Aguy, sinetch ito?!





Comments