top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mga bossing sa GMA-7, 'di hapi sa napanood… TAPING NG SERYE NI HERLENE, IPINA-STOP

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 31, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 31, 2022



Pansamantalang ipinatigil ng GMA Network ang teyping ng bagong serye ni Herlene Budol na Magandang Dilag. Dito ay kasama niya sina Christopher De Leon, Sandy Andolong, Chanda Romero, Adrian Alandy, Maxine Medina, atbp..


Iikot ang kuwento nito sa mga kaganapan sa fashion world.


Nakapagteyping na si Herlene sa Magandang Dilag pero hindi nagustuhan ng mga bossing ng GMA-7 ang prosthetics na ginamit sa kanya kaya uulitin ang mga eksenang naumpisahan.


Pero nakatakdang umalis si Herlene upang mag-training at maghanda sa kanyang pagsali sa Ms. Planet International na gaganapin sa Uganda, Africa sa Nov. 19. Si Herlene ang representative ng Pilipinas sa nasabing international beauty pageant.


Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala si Herlene na siya ay susuwertehin sa kanyang paglahok sa beauty pageants tulad ng Bb. Pilipinas. Malaking karangalan na 'yun kahit 1st Runner-Up lang siya.


Nagpapasalamat din si Herlene sa GMA Network sa suporta at sa ibinibigay sa kanyang tiwala.


Nag-umpisa lang siya noon bilang co-host ni Willie Revillame sa Wowowin bago nagkaroon ng exposure sa ibang shows ng GMA-7.


Nai-feature rin ang buhay niya sa Magpakailanman at siya mismo ang gumanap.


May kasiguruhan na ang kanyang career ngayong pinapirma na siya ng kontrata ng GMA Network.


At nagbibida na nga siya sa isang malaking serye na suportado ng malalaking artista.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page