top of page
Tom Rodriguez at Sam Milby - IG.jpg

Mga bilyonaryo sa ‘Pinas… BEA, KA-LEVEL NA NINA PACQUIAO, WILLIE, SHARON AT GRETCHEN

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 17, 2026



Bea Alonzo - IG

Photo: Bea Alonzo - IG



Dahil sa mga assets na naipundar ni Bea Alonzo, billionaire na ang kanyang status ngayon at nakasama na sa top richest showbiz celebrities. 


Kahilera na ni Bea sina Manny Pacquiao, Willie Revillame, Sharon Cuneta, Gretchen Barretto, Piolo Pascual, Vice Ganda, Sarah Geronimo, Dingdong Dantes at Marian Rivera, Coco Martin, Joel Cruz, Assunta de Rossi, at Ricky Reyes. 


Ang kanilang yaman ay galing sa kinita nila sa mga pelikula, shows at endorsements sa showbiz, maliban kay People’s Champ Manny. 


Si Gretchen, marami nang properties bago pa dumating sa buhay niya si Tonyboy Cojuangco. May tatlo siyang bahay sa Forbes Park at may mga negosyo.


Samantalang si Bea, sinasabing mahigit P2 billion na ang net worth bago pa nagpakasal sa CEO ng Puregold na si Vincent Co. May mga negosyo na rin ang aktres at may malawak na farm sa Zambales.


Well, hindi maiaalis na pagkumparahin sina Bea at Gretchen ngayon dahil pareho silang nakakuha ng billionaire partner in life at can afford magbuhay-reyna.





Agree, KC, Frankie at Miel?

ACHIEVEMENTS NI SHARON, MAHIRAP NANG PANTAYAN NG MGA ANAK



MEMORABLE para kay Megastar Sharon Cuneta ang pelikulang Madrasta na pinagtambalan nila ni Christopher de Leon. Bukod sa kumita ito nang malaki sa takilya, marami rin ang pumuri sa mahusay na pagkakaganap dito ni Shawie sa kanyang role. Sa pelikulang ito lumabas ang husay niya bilang aktres.


Kaya naman, kapag may mga movie offers siyang dumarating ay hindi maalis ni Sharon na maikumpara ito sa Madrasta. Kailangang pantayan nito ang impact ng dati niyang pelikula.


Nang ialok nga kay Shawie ang Honor Thy Mother serye, nagustuhan ito ng aktres at mabilis niyang natapos ang proyekto. Kasama niya rito sina Tonton Gutierrez, Barbie Forteza, John Estrada, Khalil Ramos, atbp..


At this point of her life, mapili na rin ang Megastar sa mga movie projects na kanyang tinatanggap. Besides, hindi na siya nakikipagkumpitensiya ngayon sa mga kabataang artista dahil wala na siyang dapat na patunayan pa.


Ganunpaman, magiging challenge sa kanyang mga anak na sina KC Concepcion at Frankie Pangilinan na pantayan ang kanyang mga achievements sa showbiz.


May ilang fans naman ang humihiling kay Sharon na bago siya tuluyang mag-retire sa industriya, sana ay makagawa sila ni KC ng isang pelikula na maaalala ng kanilang mga tagahanga.





LABIS na nanghihinayang ang mga fans nina Yeng Constantino at Ryan Bang dahil hindi nauwi sa totohanang relasyon ang pagiging close nila noon sa isa’t isa.


Inamin ni Ryan na super crush niya si Yeng pero hindi nga niya nagawang ligawan nang seryoso dahil poor boy pa siya noon. Wala pa siyang kotse at malaking kita noon kaya hindi niya mai-date ang singer sa sosyal na resto.


Naunahan si Ryan ng hiya at insecurity. Sikat na sikat na kasi noon si Yeng at siya ay struggling artist pa lang. Wala pa siyang puwedeng ipagmalaki, kaya hindi na niya itinuloy ang panliligaw.


Pero ang hindi alam ni Ryan ay gusto na rin siya noon ni Yeng. Nilayuan niya ang singer na clueless kung bakit.


Sa nakaraang Biyaheng Bente concert ni Yeng sa Araneta Coliseum, saka lang sila nagkaroon ng closure ni Ryan. Doon humingi ng tawad si Yeng kung nasaktan man niya ang damdamin ni Ryan. Marami ang kinilig nang haranahin niya ang It’s Showtime host nang lumapit siya sa kinauupuan nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page