top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga biktima ng Bagyong Odette, 'di pa rin nakakabangon

BULGAR
Mar 11, 2022
3 min read

ni Bong Revilla - @Anak ng Teteng | March 11, 2022


Kamakailan lamang ay naging matagumpay ang isinagawa nating pagbisita sa mga kababayan nating biktima ng Bagyong Odette sa bahagi naman ng Siargao at Dinagat Island kung saan muli tayong namahagi ng ayuda sa napakarami pa nating kababayan doon.


Tulad ng ating naipangako ay muli tayong nagbalik sa mga nasalanta ng bagyo sa Bohol, isang island province sa ating bansa na nasa Central Visayas region upang kahit paano ay matulungan silang maitawid ang kanilang sitwasyon.


Sa ilalim ng ating Kaagapay sa Araw ng Pangangailangan-Bayanihan Relief (KAP-BR) ay maayos nating naiparating sa marami nating kababayan ang libu-libong kahon ng family food packs at libu-libong yero sa ilang bayan na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring maayos na bubong.


Halos ilang buwan na rin ang nakararaan nang grabeng salantahin ng Bagyong Odette noong Disyembre 12, 2021 ang buong Western, Eastern at Central Visayas na umabot ng mahigit sa P1.3 bilyong halaga ng agrikultura ang nawasak ayon sa pagtataya ng Department of Agriculture (DA).


Dahil sa grabeng pinsala na idinulot ng naturang bagyo, marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng tahanan at nawalan ng kabuhayan kaya hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin sila lubusang nakakabangon.


Kaya heto, muli ay nagbalik na naman tayo sa maraming napinsalang bayan dahil sa oras na mabisita n'yo ang kalagayan ng marami nating kababayan ay tiyak na hindi na kayo mapapalagay dahil sa rami ng nangangailangan pa ng tulong.


Noong Marso 7 ng umaga ay naglibot kami sa mga bayan sa Bohol at una naming tinungo kasama ang ilan sa aking staff sa Senado ang Tagbiliran City upang personal na makadaupang palad ang mga biktima ng bagyo.


Inasistihan kami ni Tagbiliran City Mayor John Geesnell “Baba” Yap sa pamamahagi ng kahun-kahong family food packs para sa ilang linggong pantawid-gutom ng mga kababayan nating hirap pa rin sa paghahanap ng ikabubuhay.


Mga bandang alas-9 ng umaga ay nagkaroon ng ceremonial distribution sa bayan ng Baclayon kung saan ay namahagi kami ng bubong para sa mga bangka ng mga mangingisda.


Alas-10 ng umaga ay nagtungo naman kami sa bayan ng Balilihan at sinalubong kami ni Cong. Ed Chatto at Mayor Pureza Veloso Chatto at naghatid din kami ng kahun-kahong family food packs na ipinamahagi rin sa ating mga kababayan.


Makaraan ang distribusyon, bandang alas-11 ng umaga ay nagkaroon kami ng kaunting paghaharap-harap kasabay na rin ng tanghalian upang talakayin ang iba pang problema sa naturang bayan at kaharap ko pa rin sina Cong. at Mayor ng Balilihan.


Matapos magpahinga, ganap na alas-12 ng tanghali ay bumiyahe na kami para sa iba pang bibigyan ng ayuda at ganap na ala-1 ng hapon ay dumating kami sa bayan ng Inabanga at doon ay sinalubong naman kami ni Mayor Josephine Socorro C. Jumamoy.


Tulad nang mga pinanggalingan naming bayan ay namahagi rin kami ng kahun-kahong family food packs at libong yero para naman sa mga kababayan nating nawasak ang mga bahay at hanggang sa kasalukuyan ay trapal lamang ang ginagamit na bubong sa kani-kanilang tinutuluyan.


Medyo naantala kami nang bahagya kaya bandang alas-2:30 na kami dumating sa bayan naman ng Talibon at doon ay buong puso kaming tinanggap ni Mayor Janet Garcia na siya namang nanguna sa pamamahagi ng kahun-kahong pagkain na aming dala.

Bandang alas-3:30 ng hapon ay maayos naming narating ang bayan ng Bien Unido at doon ay kasama naming namahagi ng kahun-kahong family food packs at libong yero si Mayor Rene Borenaga dahil marami rin ang nasalanta sa kanilang lugar.


Ganap na alas-4:20 ng hapon ay nagawa pa rin naming magsagawa ng ceremonial distribution sa bayan ng Ubay para sa kahun-kahong family food packs at buong puso itong tinanggap ni Mayor Constantino Reyes na siya namang mangunguna sa pamamahagi.


Bago kumagat ang dilim ay nakarating pa kami sa bayan ng Candijay at doon ay naghihintay na si Vice Mayor Jesusa Mapute para rin sa ipamamahagi naming kahun-kahong family food packs at libong yero para rin sa mga nasalanta.


Pagkagat ng dilim ay hindi na namin nagawang makabiyahe pa dahil sa sobrang pagod sa maghapong pamamahagi at biyahe kaya nagpasya kaming magpalipas ng magdamag sa isang hindi kalayuang lugar.


Kinabukasan, matapos mag-almusal ay agad na naming tinungo ang bayan ng Loboc at doon ay sinalubong kami ni Mayor Leon Calipusan kung saan ay agad naming naisagawa ang pamamahagi ng kahun-kahong family food packs para sa naturang lugar.


Bagama’t bahagyang nasunog ang aming balat ay hindi namin ininda ang naranasan naming hirap at pagod lalo pa kapag nakikita namin ang ngiti sa labi ng mga kababayan nating kahit paano ay nahahatiran natin ng ayuda.


Alam kong hindi pa rito nagtatapos ang pagbibigay natin ng tulong at sa mga kababayan nating may kakayahan pang tumulong ay huwag kayong magsasawa dahil talagang kailangang-kailangan pa.


Anak Ng Teteng!


May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ANAK NG TETENG! ni BONG REVILLA sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa anak­ng­teteng.bulgar@ gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page