Mga BFF, todo-prisintang ninang… HERBERT, TIKOM PA ANG BIBIG SA KUMALAT NA BUNTIS NG KAMBAL SI RUFFA
ni Nitz Miralles - @Bida | April 10, 2022

Sinakyan ng mga kaibigan ni Ruffa Gutierrez ang tsikang buntis siya ng twins kay Herbert Bautista at may mga nag-volunteer na maging ninang.
Sina Jackie Forster at Vina Morales, nagprisintang maging ninang. Si Donita Rose, nagprisintang Maid of Honor pa rin siya.
“This is hilarious,” ang reaction ni Mond Gutierrez.
“LOL” ang reaction ng anak ni Ruffa na si Lorin Gabriella at ang ibang kaibigan, emoji ng laughing man ang ipinost.
Lahat halos ng kaibigang nag-comment, sinagot ni Ruffa at enjoy sa pagsagot sa nag-comment na iboboto nila si Herbert at nag-thank you pa.
Wala pang reaction si Herbert sa fake news na ito na magiging tatay siya ng twins kay Ruffa. Pero ang kapatid nitong si Harlene Bautista, nag-post ng emojis ng laughing man sa fake news na pagbubuntis ni Ruffa.





Comments