Mga bawal sa paliparan
- BULGAR
- Jan 22, 2022
- 1 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | January 22, 2022
Dear Chief Acosta,
Kinumpiska ng airport security ang lighter na nakalagay sa loob ng aking bagahe noong umuwi ako sa aming probinsiya. Nais ko sanang malaman kung maaari ba nila itong gawin? – Belle
Dear Belle,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Republic Act (R.A.) No. 6235 o mas kilala bilang “An Act Prohibiting Certain Acts Inimical to Civil Aviation, and for Other Purposes,” partikular sa Section 3 kung saan nakasaad na:
“It shall be unlawful for any person, natural or juridical, to ship, load or carry in any passenger aircraft operating as a public utility within the Philippines, any explosive, flammable, corrosive or poisonous substance or material.”
(Binigyang-diin.)
Sang-ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, ipinagbabawal ang pagdadala ng mga explosive, flammable, corrosive at poisonous na mga materyales sa loob ng eroplano at kabilang dito ang lighter. Maaaring kumpiskahin ang mga nasabing kagamitan ng mga itinakdang tauhan sa paliparan o airport security upang mapanatili ang kaligtasan ng mga pasahero sa kabuuan ng kanilang biyahe.
Dahil dito, ang inyong dala-dalang lighter ay maaaring kumpiskahin dahil naglalaman ito ng flammable liquid.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.




Comments