top of page

Mga batang kabayo sa Juvenile Stakes Series

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 22, 2022
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | December 22, 2022


Magpapasiklaban ang mga batang kabayo sa magaganap na 3rd Leg ng PHILRACOM Juvenile Stakes series na ilalarga sa Metro Manila Turf, Malvar, Tanauan City sa Batangas sa Sabado.


Dalawang mga anak ng kilalang stallion na Brigand ang sumikwat ng first at second leg ito'y ang Istulen Ola at La Trouppei ayon sa pagkakasunod. Bukod sa Istulen Ola at La Trouppei, tatlong anak pa ng Brigand ang kasali kaya malaki ang tsansa na puro mga supling nito ang mananalo sa nasabing prestihiyosong karera para sa mga batang kabayo.


Ang tatlo pang anak ng Brigand ay ang Earli Boating, Keep Da Trick, Winner Parade, makakatagisan nila ng bilis ang anim pang tigasing kabayong sasabak sa distansiyang 1,400 meter race kung saan nakalaan ang P1.8M garantisadong premyo. Kasali rin ang Light Bearer, Player Andri, Swakto Power Duo, Sweetie Giselle, Gintong Hari at Rough Cut sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM). "This is a must see race for all horseracing aficionados as these two-year-olds will be our Triple Crown contenders next year. Who knows, we might be watching the next TC sweeper," saad ni PHILRACOM chairman Reli De Leon.


Hahamigin ng unang kabayong tatawid sa meta ang P1,080,000 kaya tiyak na naghahanda ng todo ang mga trainers at hinete para masilo ang malaking premyo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page