Mga barkong dadaan sa Strait of Hormuz, tutulungan ng US
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
ni Jenny Rose Albason @World News | May 5, 2026

Inanunsyo ni US President Donald Trump na gagabayan ng Estados Unidos ang mga barko na dadaan sa Strait of Hormuz simula ngayong Lunes.
Ayon sa US Central Command (CENTCOM), kabilang sa ibinibigay na military support ang mga guided-missile destroyers, mahigit 100 aircraft, at humigit-kumulang 15,000 service members.
Bahagi umano ito ng tinatawag na “Project Freedom” ni Trump, na layuning mabawi ang kalayaan sa paglalayag sa Strait of Hormuz. Nilinaw naman ng isang opisyal ng US na hindi ito isang escort mission.
Ayon kay CENTCOM commander Adm. Brad Cooper, ang naturang suporta ay itinuturing na isang “defensive mission” na mahalaga para sa regional security at sa pandaigdigang ekonomiya, kasabay ng pagpapanatili ng naval presence sa lugar.
Samantala, nagbabala ang mataas na opisyal ng Iran na si Ebrahim Azizi na maaaring ituring na paglabag sa umiiral na ceasefire o tigil-putukan ang naturang hakbang.
Sa kanyang Truth Social account, sinabi ni Trump na ang paggabay sa mga barko ay layuning maprotektahan ang mga tao, kumpanya, at bansa na aniya’y walang kasalanan at naaapektuhan lamang ng mga pangyayari.
Iniulat din ng Pangulo na may “very positive discussions” sa pagitan ng mga kinatawan ng Estados Unidos at Iran, at umaasa siyang magreresulta ito sa positibong kinalabasan para sa lahat ng panig.




Comments