top of page

Mga bangkay, itinapon daw sa Taal Lake… GOV. VI, KUMANTA SA MALAKING EPEKTO NG MISSING SABUNGEROS SA BATANGAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 8
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | July 8, 2025



Photo: Vilma Santos



Priority ni Star for All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos ang kapakanan ng kanilang mga mangingisda sa pumutok na balita sa mga nawawalang sabungero na dinala sa Taal Lake sa kanilang lalawigan.


‘Yan ang mariing sinagot ni Governor Vilma nu’ng mainterbyu ng ilang taga-entertainment media sa kanyang opisina sa Kapitolyo ng Batangas kahapon.


Nilinaw ni Governor Vi na wala pang lumapit sa kanya tungkol sa isyu ng mga nawawalang sabungero na ayon sa isang whistleblower ay pinatay at saka itinapon sa Taal Lake.


Pahayag ni Gov. Vi, “It’s the hottest issue now. Pero wala pa rin namang resulta or confirmation of what’s going to happen. So, dedesisyunan pa ‘yan ng legal ba ‘yun?

“Uh, titingnan nila ‘yung legal. Ang akin lang siyempre, nadadamay ang Taal Lake namin. (Do) You get me?


“At kahit paano with this news, hindi naman natin alam kung confirmed or hindi, kesyo may mga katawan d’yan, naaapektuhan ang business ng mga mangingisda namin.


“And you know, that happened a long time ago. Three years ago. So, kahit paano, sana huwag naman. Kasi kahit paano, naapektuhan ang kabuhayan ng aming… ng mga Batangueñong mangingisda, oo.


“Saka hindi naman natin alam kung totoong nand’yan nga, you know. So, huwag naman sana. Huwag naman sana.”


Tinanong din si Governor Vi kung may nagpaalam na para imbestigahan ang kaso ng mga nawawalang sabungero sa kanyang lalawigan.


“Ah, hindi muna ako masyadong nakikialam d’yan. May ibang naghahawak ng aksiyong ‘yan. Wala pa namang kasiguraduhan,” sabi pa niya.


Pagpapatuloy pa ni Gov. Vi, “Ang concern ko lang, sana, ingat naman tayo na palabasin na hindi maganda ang status ng Taal Lake, dahil naapektuhan ang buhay ng ating mga mangingisda.


“And ang priorities ng ating Risk Reduction Management Council ay pangalagaan ang mga signal ng volcanic eruption.


“We should, uh… Ngayon kasi, may alert level 1. So sa ngayon, I think ito talaga ang dapat bigyan namin ng focus. This is our priority. Naka-alert level 1 tayo ngayon sa Taal, oo.”


Kahapon ang unang araw ng opisyal na panunungkulan ni Governor Vi sa Kapitolyo kung saan inihayag din niya ang kanyang inaugural address.


Present sa kanyang inaugural address ang kanyang panganay na anak at TV host na si Luis Manzano kasama ang misis na si Jessy Mendiola, mga kaibigan sa showbiz gaya ng mag-asawang Tirso Cruz III at Lyn Ynchausti, with their only daughter na si Djanin Cruz.


And of course, present din sa inaugural address ni Governor Vi ang mga mayors sa iba’t ibang bayan sa Batangas at mga bagong halal na public servants sa lalawigan.


Ngayon pa lang ay excited na ang mga taga-Batangas sa mga programa ni Governor Vi para sa kanyang mga kababayan. And true to the new slogan ng lalawigan, pramis ni Governor Vi na isang “matatag na Batangas” ang makikita sa muli niyang pagbabalik sa Kapitolyo.


Saludo para kay Governor Vi.



AYAW paawat ng tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino. Abala sila sa bago nilang teleserye titled The Alibi sa isang lalawigan sa Visayas.


At siyempre, tuwang-tuwa ang mga fans kina Kim at Paulo sa naturang lalawigan dahil kahit paano ay may chance sila na makita ang sikat na tandem.


Sa sobrang excitement ng mga tagaroon, nagkukuha sila ng video habang nagsu-shoot sina Kim at Paulo.


Kaya pati ang surprise look supposed-to-be nina Kim at Paulo sa mga nag-aabang ng bago nilang teleserye ay na-preempt dahil sa kumalat na video ng shoot nila sa social media.


At habang nagsu-shoot ang KimPau tandem ng bago nilang teleserye, umaarangkada ang unang drama series na pinagtambalan nila, ang Linlang.

Nasa ikatlong puwesto sa Top 10 most-watched shows ng Netflix Philippines ang Linlang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page