top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga bakunado lang ang audience at ang tiket ay mabibili sa team

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 11, 2021
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 11, 2021





Limang laro ang magbubukas sa CTG MPBL Invitational at makakapanood na muli ang publiko sa MOA Arena. Kasabay nito ang paghayag ng pormal na pagkilala sa MPBL bilang ligang propesyunal sa ilalim ng Games and Amusements Board (GAB).


Ang Iloilo United Royals at ang bagong tatag na Negros Muscuvados ng Grupo A ang unang maglalaro sa 9:00 ng umaga at may naghihintay na P2M para sa kampeon.


Susundan ng pambungad na palabas ng 12:00 PM.


Tapatan ng Go For Gold AICC-San Juan Knights at MJAS Zenith Valenzuela ng 1:30 sa Grupo C at All-Star Bacolod Ballers at Bacoor Strikers ng Grupo A sa 4:00 p.m.


Magkakasubukan ang Bulacan Kuyas at Imus Bandera ng Grupo D sa 6:00 at Bicol Volcanoes at Jumbo Plastic Basilan Steel ng Grupo B sa 9 p.m.


Tanging mga bakunado ang papayagang pumasok at kalahati lang ang kapasidad ng MOA. Sa ngayon, ang mga tiket ay makukuha mismo sa 22 kalahok na koponan.


Inamin ni GAB Chairman Abraham B. Mitra na ang pag-akyat sa MPBL bilang pro league ay isa sa pinakamalaking nangyari sa ahensiya sa mga nakalipas na taon.


Pinaalala muli ni Mitra na hindi kukunsentihin ng GAB ang mga katiwalian tulad ng game-fixing at pagsusugal. Nanawagan siya sa lahat na kumilos sang-ayon sa kanilang bagong estado bilang mga atletang propesyunal.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page