Mga bagong hosts ng EB!, 'di raw sikat… NETIZENS KAY SEN. JV: KESA NAMAN SA SENADO, MAY SIKAT
- BULGAR

- Jun 6, 2023
- 2 min read
PERO WALANG SILBI
ni Julie Bonifacio @Winner | June 6, 2023

Na-bash si Senator JV Ejercito sa ipinost niya sa Twitter tungkol sa mga bagong hosts ng Eat… Bulaga! na nagsimula na nga kahapon sa nasabing noontime show na nilisan nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.
Ang bagong mga Dabarkads ay kinabibilangan nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, ang kambal nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na sina Cassy and Mavy, Alexa Miro at iba pa.
Tweet ni Sen. JV, “The “new” Eat… Bulaga!. Parang kailangan nilang lagyan ng mga name plates ang ibang talents. Mahirap yatang tapatan ang TVJ, sina Allan K., Paolo, Jose & Wally, etc. Eat… Bulaga! is really TVJ.”
May nagpasaring naman kay Sen. JV sa kanyang tweet na naka-post sa reply section, “Sen. @jvejercito Kesa naman sa Senado, may sikat pero walang silbi. Oppppps! Hindi po ikaw ang tinutukoy ko.”
Pero, ‘di ito pinalampas ni Sen. JV at sinagot niya ang comment sa kanya ng netizen, “Okay lang, ‘di naman ako sikat.”
Then, muling nag-tweet si Sen. JV tungkol sa mga bagong hosts ng EB!, “But we shouldn’t bash the talents of the new EB!. Hanapbuhay nila ‘yan as talents.”
In fairness to Sen. JV, hindi lang naman siya ang may ganyang reaction. At base sa mga nabasa namin, ang umani ng pinakamaraming reaksiyon ay ang pagkakasama kay Alexa Miro as one of the new hosts ng show.
“Wished they chose freelance artists instead, not GMA talents like ‘yung Alexa Miro. Imagine the bashing they’re getting right now. Well, except du’n sa deadbeat dad (Paolo Contis).”
“Jalosjos si Alexa, alam na this!”
“Kamag-anak? If yes, kaya naman pala.”
“Kamag-anak na, dyowa pa raw ni Sandro. Siya na ang sakalam, choz!”
Ang Sandro na tinutukoy ng mga netizens ay si Presidential Son and Congressman Sandro Marcos.
Anyway, nabasa rin namin ang tweet ni Sen. JV regarding his mom. Kasalukuyang nasa ospital pala ang kanyang ina na si dating San Juan Mayor Guia Gomez.
Sumailalim sa hip replacement surgery ang kanyang ina at naging successful naman ang ginawang procedure sa dating San Juan mayor.
Tweet ni Sen. JV, “Doctors said considering my mom’s age (81) and some conditions, the operation is considered as high risk. Prayers will be appreciated. Thank you, Lord!”
After a couple of hours, muli siyang nag-post ng message sa Twitter, “Thank you everyone for the prayers! The operation became a little complicated but in the end, the doctors were able to achieve what they wanted to do. ”
‘Yun na.





Comments