top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Mga bagito, babanat Wind Master SA 2-YO

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 11, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |November 11, 2022


Inaasahang masisiyahan agad ang mga karerista sa unang race kung saan magbabanatan ang mga bagitong kabayo.


Mapapanood ng mga karerista kung gaano kagaling si Wind Master pagtakbo nito sa 2-Year-Old Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, ngayong araw.


Makakatagisan ng bilis ni Wind Master ang tatlo pang kabayo sa distansyang 1,200 meter race na pakakawalan sa unang karera.


Rerendahan ni class A rider Mark Angelo Alvarez, makakalaban ni Wind Master sina Quarantine, Valley Bell at Batang Kankaloo.


Kukubrahin ng winning horse owner ang added prize na P20,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, pitong races ang ilalarga ngayong Biyernes, magsisimula ang winner take all, (WTA) sa Race 1 sa alas-6:15 ng gabi.


Tiyak na aabangan din ng mga karerista ang labanan ng anim na dekalidad na kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa pangalawang karera.


Markado ng mga liyamadista si Early Bird na gagabayan ni Jessie B. Guce.


May distansiyang 1,200 meter race, ang ibang kasali ay sina Smart Bell, Maaasahan, Comanche Chief King Hans at Don Albertini.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Wind Master (1), Valley Bell (3)

Race 2 - Early Bird (6), King Hans (4)

Race 3 - Kummmander (2(, Since When (6), Roaring Kanyon (9)

Race 4 - Jacqueline (5), Amazing Julliane (6), Antonio Delamugis (7)

Race 5 - Batang Cabrera (3), Portsalt (2), Critical Moments (1)

Race 6 - Hugo Bozz (1), Don Damiano (8), Hold On (3)

Race 7 - Sun Moon Lake (13), Step Bell (1), Wild Act (8)


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page