top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga ayaw paawat sa inuman at party-party, dapat lang masampolan

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 14, 2020
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 14, 2020


Sa kabila ng patuloy na pagpapaalala at babala sa publiko na iwasan ang mass gathering ngayong Kapaskuhan, mayroon talaga tayong mga kababayan na hindi natitinag.


Ayaw paawat sa party-party, inuman at kung anu-ano pa. Tulad nitong kamakailan, 23 katao ng inaresto ng pulisya dahil dumalo sa isang party sa loob ng Manila North Cemetery, na sinamahan pa ng paglabag sa health protocols.


Ayon sa mga awtoridad, nakatanggap sila ng sumbong hinggil sa party sa loob ng sementeryo, na napag-alamang ginawa matapos ang binyag.


Bukod pa rito, may paglabag din sa health protocols dahil dikit-dikit ang mga bisita at marami ang hindi nakasuot ng facemask.


Sa totoo lang, hindi na natin alam kung maiinis o matatawa na lang tayo sa ganitong mga eksena. Tipong halos araw-araw nang ipinaaalala ang mga bawal, pero dedma na lang ang iilan.


Nakadidismaya dahil napakaraming nagde-demand sa gobyerno na kumilos para labanan ang pandemya, pero habang ginagawa naman nila ang kanilang hakbang para solusyunan ang problema, heto tayo at dagdag pa sa sakit ng ulo.


Habang papalapit ang Kapaskuhan, tiyak na maraming nagbabalak ng mga ganap, kaya plis lang, ikonsidera ang kasalukuyang sitwasyon para hindi na madagdagan pa ang ating problema.


Matatandaang kamakailan, nagbabala ang mga eksperto, gayundin ang Department of Health (DOH) na posibleng tumaas muli ang COVID-19 cases ngayong holiday season dahil marami ang nasa labas para mamili, mamasyal at kung anu-ano pa.


Kung kabilang kayo sa mga nagbabalak lumabas o magsagawa ng anumang patitipon, utang na loob, sumunod tayo sa mga umiiral na health protocols.


Masyado nang maraming problema ang bansa kaya hangga’t kaya nating maging bahagi ng solusyon, gawin natin.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page