top of page
Vice Ganda sa UAAP 89 - IG.jpg

Mga ayaw maniwala, sinopla… NIKKO: MALAKING BAHAY AT SASAKYAN, BASEHAN NG TAGUMPAY

Writer: BULGAR
BULGAR
22 minutes ago
3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | September 16, 2026



TALKIES - NIKKO MALAKING BAHAY AT SASAKYAN, BASEHAN NG TAGUMPAY-IG _nikkonatividad

Photo: IG _nikkonatividad




Nagpahayag ng kanyang saloobin ang aktor na si Nikko Natividad tungkol sa nabasa niyang post na nagsasabing hindi raw sukatan ng success ang pagkakaroon ng malaking bahay o magandang sasakyan.


Aniya, hindi naman maikakaila na para sa maraming tao, bahagi ng kanilang tagumpay ang pagkakaroon ng sariling bahay, sasakyan, at maginhawang pamumuhay.


“May nabasa akong post na ‘di raw sukatan ang malaking bahay o magandang sasakyan ng success. Pero bakit gustung-gusto natin makabili nito? At sa tuwing may family o friend tayo na nakakabili o nakakapundar ng ganito, nagko-congrats tayo? Kasi achievement ‘yun, ‘di ba? O sign ng success para sa kanila dahil sa hard work nila,” pahayag ni Nikko.


Para kay Nikko, nakadepende sa bawat tao kung ano ang kahulugan ng success para sa kanila.


“Tingin ko, depende sa tao kung ano ang gusto n’ya at ibig sabihin sa kanya ng success. Pero ‘di mo puwedeng sabihin na ‘di sign ng success ang maayos na bahay at sasakyan,” aniya.


Ibinahagi rin ng aktor ang mga pinagdaanan niya noon, kabilang ang paninirahan sa lugar na madalas bahain at ang hirap ng araw-araw na pagko-commute.


“Gusto mo ba ng binabahang bahay? Maliit na bahay na isang kuwarto lang at sampu kayo? Gusto mo ba mag-commute sa Pilipinas na puwede kang maholdap at inaabot ng 2-3 hours sa pila makauwi lang? Dinanas ko lahat ‘yan,” saad niya.


Kuwento pa ni Nikko, nagkaroon pa siya ng alipunga dahil sa pagbaha sa kanilang dating lugar. Naranasan din niyang bumiyahe araw-araw mula Quezon City hanggang Malolos, kung saan napakahirap umano ng kanilang pagko-commute dahil sa FX o bus na lamang siya nakakapagpahinga.


Kaya naman para kay Nikko, hindi lamang materyal na bagay ang sukatan ng tagumpay.


Diin niya, “Kaya para sa ‘kin, masasabing success ang KAGINHAWAHAN.”

Well, big tumpak ka r’yan, Nikko.





Second degree na…

MISIS NI MARK, BALIK-ARAL NA NAMAN



Nagbahagi ng latest update ang aktres-partner ng aktor na si Mark Herras na si Nicole Donesa tungkol sa kanyang kasalukuyang pinagkakaabalahan.


Sa kanyang social media post, sinagot ni Nicole ang netizen na tila nagtatanong kung bakit hindi na siya gaanong aktibo at hindi na nakakapagbahagi ng mga dati niyang regular na update.


Kalakip ng kanyang mensahe ang isang larawan kung saan makikita siyang nakasuot ng uniform.


“Ba’t wala ka nang mga updates, Ico (nickname ni Nicole)? Nangyari na sa ‘yo?!” tanong ng kanyang follower.


Sagot naman ni Nicole, “Ito po ang nangyari sa ‘kin, kaya sobrang busy ako.”

Ibinahagi niya na kasalukuyan niyang binabalanse ang buhay-estudyante, pagiging asawa, trabaho at pagiging mommy ng kanilang dalawang anak.


“Balancing buhay-estudyante (na naman! Yes, future 2nd degree holder here), wife life, work & mommy of two all at the same damn time. Ang dami ko nang utang na kuwento sa inyo, but for now, this is all na kayang i-share ng energy ko. I’m excited to share with you all of this in detail soon,” saad ni Nicole.


Aminado rin ang aktres na minsan ay nababaliw na siya sa dami ng kanyang kailangang unahin, pero nagpapasalamat siya sa pagkakataong nasa ganitong yugto siya ng kanyang buhay.


“Kahit minsan, nababaliw na ‘ko sa kung ano’ng uunahin ko sa mga kailangang gawin, I feel so incredibly privileged and joyful to be where I am today. These times are truly going to be the best years of my life. My core dreams are finally coming true, and I hope all of you will be happy for me,” dagdag niya.


Samantala, sinabi rin ni Nicole na may mga kuwento pa siyang ibabahagi sa kanyang mga followers kapag nagkaroon na siya ng sapat na oras at energy.


“So ttyl (talk to you later), guys. Malalim na story time coming soon at mag-aaral pa ‘ko ng anaphy (Anatomy and Physiology) yes, opo,” ani Nicole.


Nilinaw din niya na malapit na rin niyang ibahagi ang kanyang update tungkol sa kanyang BBL (Brazilian Butt Lift) at tummy tuck.


“PS: ‘Yung BBL & Tummy Tuck update, malapit na malapit ko na rin i-share. Sorry sa mga nagtatanong sa akin na ‘di ko pa masagot but YES! Super-duper happy with my results!” saad niya.


Anyway, good job, Nicole. At least, kaya mong pagsabayin ang lahat.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page