Mga ayaw magpabakuna, dahilan kaya nadidiskaril ang ‘herd immunity’
ni Ka Ambo - @Bistado | June 06, 2021
Takot ang mga ordinaryong tao sa India na magpa-lab test at magpabakuna kontra COVID.
‘Yan ang tunay na dahilan ng mabilis na pagdami ng COVID sa naturang bansa!
◘◘◘
SA Pilipinas, marami pa rin ang ayaw magpabakuna.
Sila ang didiskaril sa herd immunity!
◘◘◘
ITATAAS ang singil sa konsumo ng elektrisidad.
‘Yan na mismo ang motibo ng rotational brownout!
◘◘◘
KAPANSIN-PANSIN ang pangangayayat ni Kris Aquino.
Sintomas ng depresyon.
Kapag nagpa-swab siya, baka markahan siyang “COVID”!
◘◘◘
DAPAT suriing mabuti ang datos ng COVID.
Ihiwalay ang listahan ng mga biktima na isinali sa “COVID fund” sa listahan ng mga biktima na hindi nabiyayaan ng “COVID claim”!
◘◘◘
IMBESTIGAHAN ang mga “COVID claim” kung totoong nagkaroon ito ng COVID o pinakiusapan ng ospital ang pamilya na “ilista as COVID patient”.
Kapag inihiwalay nang listahan ang mga nabibiyayaan ng COVID claim—madaling matutukoy ang korupsiyon!
◘◘◘
DUMARAMI ang bilang ng listahan “as COVID patient” dahil may inilaang pondo ang gobyerno rito.
At ang nagkakamal ng salapi ay hindi ang mga biktima o pamilya ng biktima, bagkus ay ang mga may-ari ng ospital!
◘◘◘
DAPAT bigyan ng hazard pay ang mga hospital personnel na nag-aalaga ng mga COVID patient dahil may inilaang pondo ang gobyerno para rito.
Nagkakamal ng salapi ang mga hospital operators pero hindi nila binabahaginan ang kanilang mga personnel!
◘◘◘
TAMAD ang DOH at IATF na ilantad ng malinaw ang mga datos hinggil sa COVID.
Tipid na tipid ang impormasyon na halatang may itinatago!
◘◘◘
NAKAPAGTATAKANG hindi nagtatrabaho ang Commission on Audit sa panahon ng pandemya gayung dapat silang magsagawa ng “post audit report” sa mga ginastusan ng COVID fund.
Walang report ang COA kung maayos na ginagastos ang pondo ng COVID—partikular ang “claim at bills” ng mga biktima!
◘◘◘
MAHALAGANG magpatulong ang COA sa NBI at PACC para matiyak na hindi pinepeke ang hospital bills at may “authenticity” ang mga datos.
Hindi nauubos ang testimonya na idineklarang positibo sa COVID ang namatay na pasyente pero ang nag-alaga na buong pamilya—ay negatibo ang resulta sa RT-PCR Test.
Paano nangyari ‘yun?
Maraming ganyang kaso pero walang ibinibigay na maayos na paliwanag ang DOH!
◘◘◘
DAHIL nawawalan ng kredibilidad ang datos na inilalabas ng DOH, umiiwas ang mga tao na magpabakuna sa paniniwalang nanakot lamang ang gobyerno.
At ang motibo sa COVID scare ay upang madambong ang dambuhalang pondo na nakalaan sa pandemic!





Comments