Mga atletang nagka-COVID, gaya pa rin ba sila ng dati?
- BULGAR

- Jul 7, 2020
- 3 min read
ni MC - @Sports | July 7, 2020

Nakaranas nang matinding panghihina at hindi pa makabalik sa workout si Von Miller ng Denver Broncos at isinalarawan niyang isang “surreal” experience ang madapuan ng COVID-19. Ang ibang atleta ay nagkapinsala sa baga at humina ang kalusugan.
Sa gitnang ito ng pandemya, ang mga sports leagues sa buong mundo ay pilit bumabangon para muling makapaglaro ang mga atletang nahaharap naman sa peligrong mahawaan ng naturang nakamamatay na virus. “It definitely shook me up a bit –it was very surreal, you know?” saad ni Von Miller, ang linebacker ng Denver Broncos sa panayam ng New York Times. “My biggest takeaway from this experience is that no matter how great of shape you are in physically, no matter what your age is, that you’re not immune from things like this.”
Nakaranas ang mga atletang nagka-COVID-19 ng labis na panghihina na hindi halos makapag-workout kahit na matapos gumaling sa sakit, labis na pag-aalala kung makababalik pa ba ang dating lakas.
Ayon sa mga eksperto, hindi dapat maliitin ang virus. Iyan ang aral para naman kay Andrew Boselli, isang offensive lineman ng Florida State kung saan maging ang kanyang ama na si Tony, 47, dating NFL lineman ay nagka-sintomas din noong Marso. “I knew I was young and healthy,” ani Boselli, 22. “I play Division 1 football, and I’ve been training my butt off all winter and spring. I thought I had no worries. I wasn’t going to get it.”
Nagising na lang siya isang umaga na hinang-hina at nahihirapang makahinga mataas ang lagnat na may temperaturang 104. “It was the sickest I’ve ever felt,” ani Boselli, na isa’t kalahating linggo ring naninikip ang dibdib at hinang-hina.
Ang triathlete namang si Ben O’ Donnell na taga-Minnesota ay bumagsak sa 45 pounds ang timbang nang maospital ng 4 na linggo dahil sa COVID at sumailalim sa ventilator at life support machine. Isang 38-anyos na dating college football player na nakakumpleto ng Ironman race noong nakaraang 2 taon at plano sanang lumahok uli ngayong taon, pero nanganib ang buhay dahil bumagsak ang oxygen sa katawan at nagkaroon ng kidney at liver failure sa ICU.
Nang makarekober noong Pebrero, dumaan siya sa two-day physical exam at tuluyan na siyang gumaling. Pero ang muling paglahok sa Ironman aniya, “They’re not sure if I’ll ever get full lung capacity back, I may or may not.”
Kung hindi siya nagka-virus, sabi ni O’Donnell, isang executive sa isang chemical company, nakagagawa siya ng three runs, three swims at three bicycle workouts kada linggo pero, diskaril na ang kanyang life plans.
Pagkauwi niya, kailangan pa niya ng walker para makalakad. Makaraan ang 2 araw, sinikap niyang maglakad ng 7 minuto sa bilis na 1.2 miles per hour gamit ang supplemental oxygen. Iniisip na lamang niya ang mantra na, “Don’t stop. Don’t quit. Keep moving forward.” Ito rin ang mentalidad na nakatulong sa iba pang atleta na tinamaan ng seryosong pandemya.
Samantala, 29 na araw naman sa ospital si Tsang Yee-Ting na isang karateka. Miyembro ng Hong Kong national team si Tsang, edad 27 nang magka-coronavirus noong Marso habang naghahanda para sa qualifying ng Summer Olympics pa-Tokyo.
Matinding mga sintomas ang dinanas niya na mula baywang hanggang paa ay matindi ang sakit. Hirap siya sa paglalakad. Pilit niyang nilalabanan ang COVID at nahirapan din siyang huminga. Negatibo na ang kanyang pag-iisip. “Of course I was worried, karate is my life.”
Bagamat malayo sa pamilya at nag-iisa sa ospital, sinisikap niyang gumalaw, gumamit siya ng elastic bands para igalaw-galaw ang kanyang mga paa at kamay sa kanyang hospital room. “Battling the virus was like training for a competition,” ani Tsang, na ngayon ay gumaling na at nakakapag-virtual training na kasama ang teammates.
Isang marathoner naman si Fiske, isang urologist ay unti-unting nakapaglalakad na makaraan ang isang linggong na-ICU noong Marso. Nakaranas siya nang minsang paglalakad na walang nalalanghap na hangin. Nilalagnat siya at hindi makahinga. Sa ospital habang lumalaban siya sa virus, “I started to think, am I going to be able to run again? Am I going to be able to walk the golf course?” aniya, 46-anyos na sumasabak sa full at half marathon kada taon. “These are things I love to do.”





Comments