top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga ate na lang daw niya… KRIS, TODO-PAKIUSAP KAY EX-PNOY NA 'WAG MUNA SIYANG SUSUNDUIN

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 12, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 12, 2022




Itinaon nga ni Kris Aquino sa kaarawan ng kanyang Kuya Noynoy Aquino (SLN) last Feb. 8 ang kanyang mensahe na pinatatawad na niya ang kanyang ex-fiancé na si Mel Sarmiento na nang-iwan sa kanya.


Sa kanyang IG account ay bumati si Kris sa yumao niyang Kuya Noynoy. Nag-sorry din siya na hindi niya sinunod ang paalala nito sa kanya na huwag magpo-post sa social media ng mga personal matters.


Pero, bumawi nga si Kris at sinabing pinatatawad na niya si Mel Sarmiento.


Naaliw lang kami sa pakiusap ni Kristeta sa kanyang Kuya Noy na huwag muna siyang susunduin dahil kailangan pa siya ng kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby. Ang iba na lang daw niyang ate ang sunduin ni Noynoy.


So, takot pa talaga si Kris Aquino na mawala sa mundo dahil kina Joshua at Bimby.


Gusto pa niyang makasama nang matagal ang kanyang mga anak hanggang sa kaya na ng mga ito na mamuhay on their own. Kaya naman, patuloy siyang lumalaban sa kanyang mga sakit. Hindi pa siya handang iwanan sina Josh at Bimby.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page