top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Mga astiging bagito mag-uunahan sa 3-YO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 7, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 7, 2023


Ilang tulog na lang at magbabanatan na ang mga tigasing bagitong kabayo sa 2023 PHILRACOM "3-Year-Old Maiden Stakes Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa darating na Linggo.


Posibleng pagtuunan ng pansin ng mga karerista at ibang trainers at hinete si Tell Bell na sasakyan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jonathan Hernandez.


Ito'y dahil sa ipinakitang husay ni Tell Bell sa trial race na kanyang pinagwagian.


Magkakampihan sina Tell Bell at Chrome Bell sa distansiyang 1,400 meter race kung saan ay nakalaan ang garantisadong P1.2-M premyo na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.


Makakatagisan ng bilis nina Tell Bell at Chrome Bell sina Prime Billing, Glamour Girle, Grand Moments, Cash On Hand, Melania, Runway Ten at Song Bird sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Sina Chrome Bell na gagabayan ni Pabs Cabalejo at Tell Bell ay mula sa Bell Racing Stable, puntirya nila na masilo ang P720,000 premyo.


Komento ng ibang karerista sa social media, tiyak na bantay sarado sina Tell Bell at Chrome Bell ng mga makakalaban nila kaya paniguradong mapapalaban ang dalawang magkakampi.


"Malaki ang premyo kaya todo ang paghahanda ng mga kalahok, malamang pinag-aaralan nila 'yung takbo ni Tell Bell," saad ni Rodrigo Calixto, veteran karerista na taga-Tramo.


Masusungkit ng second placer ang P240,00, iuuwi ng third ang P120,000 habang tig-P60,000, P36,000 at P24,000 ang fourth, fifth at sixth ayon sa pagkakahilera.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page