top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Mga astigin, mapapalaban kay Big Lagoon sa Gold Cup

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 16, 2023
  • 2 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 16, 2023



Kikilatisin muli ni reigning Presidential Gold Cup Champion, Big Lagoon ang mga tigasing kabayo sa 2023 PHILRACOM Classic Cup na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa Marso 26.


Markado si Big Lagoon dahil sa mga impresibong takbo nito sa mga nakaraang laban pero tiyak na mapapalaban siya ng todo dahil mga stakes race campaigners din ang mga kasali.


Isa sa magiging tinik ni Big Lagoon sa nasabing karera ay si Boss Emong na naparangalan ng Philippine Sportswriters Association, (PSA), Horse-of-the-Year noong Marso 6 sa Diamond Hotel, Manila.


Kaya naman tiyak na magandang laban ang masisilayan muli ng mga karerista.


Sasakyan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate si Boss Emong habang si John Alvin Guce ang rerenda kay Big Lagoon. Makakalaban nina Big Lagoon at Boss Emong sina Don Julio, Gomezian, Robin Hood at Sky Shot.


May distansiyang 1,800 meter race, nakalaan ang guaranteed prize na P2.5M na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.


Hahamigin ng winning horse owner ang P1.5M, mapupunta sa second placer ang P562,500 habang tig-P312,500 at P125,000 sa third at fourth ayon sa pagkakasunod.


Tatanggap din ng P125,000 ang breeder ng winning horse habang tig-P75,000 at P50,000 ang second at third sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, inaabangan din mga karerista ang ibang mga stakes races na pakakawalan ng PHILRACOM ngayong buwan ng Marso.


Sa Marso 25 ilalarga ang Classic Cup Divisions II at III na ikakasa sa parehong lugar.


Dahil sa mga nakalaan ng premyo, puspusan na ang paghahanda ng mga hinete at trainers sa kanilang mga pambatong kabayo para masilo ang inaasam na korona.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page