top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga astigin, lalarga sa PHILRACOM Japan Cup

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 21, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | January 21, 2023


Bukas na masisilayan ng mga karerista ang pagtakbo ng mga tigasing kabayo sa magaganap na 2023 PHILRACOM Japan Cup na ikakasa sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas.


Ayon sa komento ng mga karerista sa social media magandang laban ang kanilang masisilayan dahil mga dekalidad na registered 4-Year-Old & Above Imported/Local Horses ang magtatagisan ng bilis.


Sina Righteous Ruby, Shastaloo at Time For Glory ang mga nagsaad ng pagsali sa distansiyang 1,800 meter race at may nakalaan na P1-M garantisadong premyo na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.


Hahamigin ng mananalong kabayo ang P600,000, ang ibang naghayag ng paglahok ay sina Bombay Nights, Enigmatic Linden, Runway Dreamer, Speed Fantasy, Sudden Impact at Treasure Hunting. "Kina Righteous Ruby at Shastaloo ako lalagay, tingin ko angat sila sa laban, pero siyempre naghanda rin ang ibang kasali kaya anybody's race pa rin 'yan," saad ni Ricardo Gonzales, veteran karerista.


Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year Awardee Jonathan Basco Hernandez si Righteous Ruby habang si John Paul Guce ang gagabay kay Shastaloo.


Hahamigin ng second placer ang P200,000, may P100,000 sa third habang tig-P50,000, P30,000 at P20,000 sa fourth hanggang sixth ayon sa pagkakahilera sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


May hahamigin din ang breeder ng winning horse na P50,000 habang P30,000 at P20,000 sa second at third.


Samantala, walong races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kagabi kaya maligaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.






Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page