top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga aspirante sa pagka-presidente, unti-unting nagsusulputan!

BULGAR
May 16, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | May 16, 2021



Dalawa na ang deklaradong kakandidatong pangulo sa 2022.

Una, si Sen. Manny Pacquiao.


Ikalawa, si ex-Sen. Antonio Trillanes!


◘◘◘


HINDI pa dumideklara si VP Leni.


Tameme pa rin si Mayor Sara!


◘◘◘


KAKANDIDATO lang si Trillanes kapag hindi tutuloy si VP Leni.


Si Mayor Sara ay posibleng gayahin si P-Digong, kiyeme-kiyeme muna bago gumire!


◘◘◘


MALAKAS din ang hatak ng dalawa pang presidentiables na sina Mayor Isko at Sen. Grace Poe.


Inihahanay sina Isko at Poe bilang panlaban ng oposisyon!


◘◘◘


MAY nagsasabing naghihintay lang ng bigating financers sina Isko at Grace.


Bilyunan kasi ang usapan sa 2022!


◘◘◘


TANGING sina Pacquiao at Sara lang ang may malinaw na resources sa kampanya.

Mula sa premyo sa boxing ang badyet ni Pacquiao.


Resources naman ng gobyerno ang magpapalakas sa loob ni Inday!


◘◘◘


NAG-AABANG naman ng buwenas at senyales ng langit sina Sen. Bong Go, Sen. Ping Lacson, Sen. Tito Sotto at ex-Speaker Alan Peter Cayetano.


Nagmimiron sila pero puwedeng mang-agaw bigla ng baraha!


◘◘◘


NAGMAMASID naman sa likuran ang kampo nina Don Ramon Ang at Don Manny Pangilinan.


Singit naman ang tinitiyempuhan nina Sec. Mark Villar at ex-Defense Sec. Gilbert Teodoro!


◘◘◘


IISA ang malinaw: walang physical o face to face campaign o out of town campaign sa 2022.


Ninety eight percent ay online mobilization!


◘◘◘


SA kauna-unahang pagkakataon, paglilingkuran tayo ng cyber-president.


Mauupo sa Malacañang ay mula sa impluwensiya ng internet at gadgets—isang cellphone president ang maghahari sa Pilipinas!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page