top of page

Mga artistang wagi at talunan sa Halalan 2025

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 4 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | May 14, 2025



Photo: File


Maraming celebrities ang tumakbo ngayong 2025 midterm elections, pero hindi lahat ay nanalo sa puwestong tinakbuhan.


Napagtagumpayan ng ibang celebrities ang kanilang laban sa mundo ng pulitika. Hindi pa lang tapos ang counting sa pagka-senador.


Pero sa partial o unofficial results na inilabas ng Comelec, pasok sina Tito Sotto, Erwin Tulfo at Lito Lapid, habang ‘di naman pinalad sina Bong Revilla, Willie Revillame at Phillip Salvador.


Winner naman si Vilma Santos-Recto bilang gobernadora ng Batangas. Dati nang gobernadora ang Star for All Seasons kung saan natapos naman niya ang kanyang termino. At ngayong 2025 ay muling magbabalik ang aktres-pulitiko bilang ina ng Batangas.


Ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy ay panalo rin bilang congressman at mayora ng Ormoc.


Sina Daniel Fernando at Alex Castro pa rin ang governor at vice-governor ng Bulacan.


Ikalawang termino naman ni Congressman Arjo Atayde sa District 1 ng Quezon City.


Ang mga artistang nanalo naman bilang konsehal ng Quezon City ay sina Alfred Vargas at Aiko Melendez.


Nanalo ring konsehal si James Yap sa San Juan at si Jhong Hilario sa Makati.

 

Ang anak ni Bong Revilla na si Ram ang vice-governor ng Cavite at congressman naman si Jolo. Maging si Lani Mercado ay wagi bilang congresswoman.


Si Yorme Isko Moreno ay nakabalik din bilang alkalde ng Maynila.

Sigurado, may iba pang celebrities na nanalo kaya hindi pa kumpleto ang aming nasulat na listahan.



HINDI pinalad na masungkit ni Luis Manzano ang pagka-vice-governor ng Batangas. Siya ang running mate ng ina niyang si Ate Vi na muling nakabalik bilang gobernadora ng lalawigan.


Ang misis ni Luis na si Jessy Mendiola ay patuloy pa ring sumusuporta sa kanyang mister kahit na unsuccessful ang candidacy nito.


May heartwarming message ang aktres sa kanyang mister after failing to be elected as Batangas vice-governor.


Ani Jessy, “God’s plan will always be more beautiful than your disappointments. Be patient and thank God.”


Dinugtungan pa niya ito ng “He is bigger,” which talked about trusting what the Almighty can do.


Sey pa niya, “Still proud of you, @luckymanzano, I love you (green heart emoji).”

Ini-repost naman ni Luis sa kanyang Instagram (IG) Story ang mensahe ni Jessy at nilagyan din ng caption, “Love you (face blowing a kiss emojis).”


Sa ngayon, magpapahinga muna si Luis bago magbalik-hosting sa TV.



Muling pinatunayan ng ilang kilalang personalidad mula sa industriya ng showbiz ang kanilang lakas sa larangan ng pulitika matapos magwagi sa katatapos lamang na Halalan 2025.


Sa Pasig City, muling nahalal si Angelu de Leon bilang konsehal ng Ikalawang Distrito matapos ang matagumpay niyang unang termino. Ito na ang ikalawang pagkakataon na pinagkatiwalaan siya ng mga residente ng distrito upang magsilbi sa lokal na pamahalaan.


Sa lalawigan ng Bulacan, muling naiproklama si Daniel Fernando bilang gobernador matapos manguna sa bilangan. Kasabay niyang idineklara si Alex Castro na muling nagwagi bilang bise-gobernador ng lalawigan. Parehong nakakuha ang dalawang opisyal ng mahigit isang milyong boto.


Sa Quezon City, matagumpay ding napanatili ni Arjo Atayde ang kanyang posisyon bilang kinatawan ng Unang Distrito. Ito na ang kanyang ikalawang termino bilang kongresista mula nang unang mahalal noong 2022.


Samantala, sa Ikalimang Distrito ng lungsod, parehong nagwagi bilang mga konsehal sina Aiko Melendez at Alfred Vargas, na kapwa kilala sa larangan ng telebisyon at pelikula. Si Melendez ay muling nahalal para sa kanyang ikalawang termino, habang si Vargas ay pumangatlo sa listahan ng mga nagwaging konsehal.


Sa Cavite, napanatili naman ni Jolo Revilla ang kanyang puwesto bilang kinatawan ng Unang Distrito at ito ang kanyang ikalawang termino sa Kongreso.


Samantala, ilang kilalang personalidad naman ang hindi pinalad na manalo sa iba't ibang posisyon sa lokal at pambansang halalan.


Hindi nagwagi si Dan Fernandez sa kanyang pagtakbo bilang gobernador ng Laguna, habang sina Luis Manzano at Jorge Jerico Ejercito ay nabigo sa kani-kanilang kandidatura bilang bise-gobernador ng Batangas at Laguna.


Hindi rin nagtagumpay si Roi Vinzon sa pagtakbo bilang board member ng Benguet.

Sa pagka-senador, natalo ang boxing icon na si Manny Pacquiao, gayundin sina Bong Revilla, Jimmy Bondoc, Phillip Salvador at Willie Revillame.


Sa Kongreso, nabigo sina Marco Gumabao (Ika-apat na Distrito ng Camarines Sur), Ejay Falcon (Ikalawang Distrito ng Oriental Mindoro), Lino Cayetano (Pateros-Taguig), at Rey Malonzo (Ika-unang Distrito ng Caloocan).


Sa mayoral race, talo sina Raymond Bagatsing at Sam Verzosa sa Maynila; Philip Cezar sa San Juan; Victor Neri sa Makati; Emilio Garcia sa Bay, Laguna; DJ Durano sa Sogod, Cebu; Arnold Vegafria sa Olongapo; at Bobet Vidanes sa Pililia, Rizal.


Sa hanay ng mga tumakbo bilang vice-mayor, hindi rin nagtagumpay sina Monsour Del Rosario (Makati), Angelika Dela Cruz (Malabon), Anjo Yllana (Calamba, Laguna), at Yul Servo (Maynila).


Samantala, sa pagka-konsehal, nabigo rin sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla sa Caloocan; Enzo Pineda at Ali Forbes sa Quezon City; Abby Viduya at Ryan Yllana sa Parañaque; at Mocha Uson at Bong Alvarez sa Maynila.


Botong-boto sa GF ni Mavy, Kyline…

CARMINA, IDINISPLEY ANG FAMILY PIC KASAMA SI ASHLEY


Ibinida ni Carmina Villarroel sa kanyang Instagram ang larawan ng kanyang pamilya kasama si Ashley Ortega, ang girlfriend ngayon ng anak nila ni Zoren Legaspi na si Mavy Legaspi.


Wala ang isa nilang anak na si Cassy na ayon kay Carmina ay first time nilang hindi nakasama sa Mother’s Day celebration.


Aniya sa caption: “About last night. First Mom’s Day without my baby girl @cassy.”

Komento ng mga netizens:

“Love this family so much and Ashley.”

“Ashley seems to be a nice girl. Stay strong…”


“Oh, parang same white shoes si dear @ashleyortega with Mommy Mina, so cute so one of Ma’am Mina’s post.. Twinning.”

Hindi maitatangging kasundo ni Carmina Villaroel ang girlfriend ng anak na si Mavy.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page