Wais sa pera… JULIA, BAHAY AT NEGOSYO MUNA BAGO MAGPAKASAL KAY GERALD
- BULGAR

- May 13, 2025
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 13, 20255
Photo: Julia Barretto - IG
Sa kabila ng kanyang pagiging sosyal, marami ang nagsasabing wife material si Julia Barretto. Magaling daw itong humawak ng pera at mahusay mag-budget.
Hindi siya katulad ng ibang celebrities na gastadora at bulagsak sa pera.
Si Julia, wala ring hilig sa branded na damit, bags at sapatos. Sa halip na gumastos sa mga luxury bags and shoes, ipambabayad na lang daw niya sa kanyang Meralco bills.
At dahil wife material ang aktres, hindi na mag-aalala si Gerald anytime na yayain na niyang magpakasal ito.
‘Yun nga lang, mukhang hindi pa ready si Julia to settle down. Mga 5 years pa ang hinihingi niyang palugit kay Gerald.
Maraming endorsements si Julia, sayang naman kung pakakawalan niya ang magandang oportunidad. Nagpupundar pa ng mga properties at negosyo si Julia Barretto.
Well, for sure ay kakayanin naman ni Gerald ang maghintay pa ng 5 years bago sila magpakasal ni Julia. At alam niya na kapag may asawa na ang isang sikat na female star, hindi na ito mabentang product endorser.
Kahit hirap na hirap sa sakit… KRIS, ‘DI SUSUKO HANGGA'T ‘DI NAGIGING MAYOR SI BIMBY
May kakaibang karisma sa tao si Bimby Aquino, kaya posibleng siya ang pumalit kay Kris Aquino sakaling dumating na siya sa tamang edad.
Pangarap ni Kris na maging mayor si Bimby pagdating ng tamang panahon.
Makarisma naman sa tao si Bimby at matalino pa, at namana niya ang good qualities ng kanyang Momshie Kris.
At dahil pangarap nga ni Kristeta na makitang mayor ang anak na si Bimby, tiyak na hindi siya basta susuko sa kanyang iniindang sakit ngayon. Gusto ni Kris na maging stable at successful na sa buhay si Bimby bago niya ito iwanan.
Well, sa tingin namin, makakasama pa ni Kristeta ang kanyang mga anak sa darating na Pasko hanggang 2026. Tuloy pa rin ang kanyang pakikipaglaban sa kanyang karamdaman. Hindi siya susuko hangga’t may natitira pang lakas sa kanyang katawan.
Ang dasal para sa kanya ng mga taong nagmamahal ang nagsisilbing bitamina niya sa araw-araw.
ANG laki ng ipinagbago ngayon ng Kapuso actor na si Derrick Monasterio. Hindi na siya ang dating happy-go-lucky guy na hindi sineseryoso ang kanyang career.
Ngayon, mature na siya at gusto ng mga challenging roles. Hindi na siya image conscious at tumatanggap na ng kontrabida role.
Ang daming nagagalit sa kanyang character sa GMA-7's revenge series na Slay. Bad boy at sobrang salbahe ang kanyang role.
Ganunpaman, maraming fans niya ang natutuwa sa pagbabago nito. Nagkaroon na siya ng goal upang i-level-up ang kanyang pagiging aktor. At nagsilbing inspirasyon niya ngayon ang Kapuso actress na si Elle Villanueva.
Natuto na rin na mag-impok at mag-invest sa mga properties si Derrick. May nabili na siyang limang prime lots para sa kanyang future. Sa halip na sa mga luxury cars ay sa real estate niya ini-invest ang kanyang kinikita.
SOBRANG saya ngayon ng Sparkle artist na si Michael Sager dahil natupad na ang pangarap niyang dream house para sa kanyang pamilya. Nasa bandang Las Piñas ang nabili niyang bahay at plano ni Michael na siya mismo ang mag-i-interior sa nasabing bahay.
Ito ang dahilan kaya super excited at na-inspire si Michael na paghusayin pa ang kanyang pag-arte. Ayaw niyang biguin ang mga taong nagtiwala sa kanyang kakayahan at siya rin ang magsisilbing inspirasyon ng mga katulad niyang baguhan pa lamang sa showbiz.
Well, naging bentahe para kay Michael ang pagpasok niya sa Pinoy Big Brother (PBB) house. Sumikat siya at nakapag-guest sa malalaking shows ng GMA-7.
Kung hindi magbabago ang kanyang suwerte at positive vibes, sisikat pa nang husto si Michael Sager tulad ni David Licauco.










Comments