top of page

Bigay daw ni Lord… KRISTEL, IKINASAL NA SA BF NA KOREANO SA SOKOR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 14, 2025





Ikinasal na ang former Star Magic star na si Kristel Fulgar sa Korean boyfriend nitong si Ha Su-hyuk sa South Korea last Saturday (May 10, 2025).


Sa larawang kuha sa newlyweds na in-upload via Instagram (IG), makikita sina Kristel and Su-hyuk na looking radiant in their wedding attire.


Nakilala ni Kristel si Su-hyuk through a mutual friend based in South Korea. 

Kuwento ni Kristel, “Meron akong friend sa Korea na ipinakilala sa akin si Su-hyuk. Matagal na siya dito sa Korea nakatira at kilala niya si Su-hyuk na mabait.


“And that friend, kilalang-kilala rin ako, alam n’ya rin ‘yung personality ko, and alam n’ya rin kung ano ang gusto ko sa guy.


“And so, s’ya ‘yung nagpakilala sa aming dalawa. And then ‘yung una pa lang naming pagkakakilala, para talagang super magical. Hindi ko ma-explain.


“Swak kami sa values, pareho kaming very respectful, pareho kaming conservative. ‘Yung approach n’ya sa dating, very classic and ‘yun din talaga ang gusto ko sa guy,” masaya niyang pagkukuwento.


Aniya pa, perfect ang timing ng kanilang pagkakakilala, noong panahong si Kristel ay praying to find the right person, ready na ito sa relationship.


Kristel knew Su-hyuk was the one when he chose to convert to Iglesia ni Cristo (INC), embracing her faith and beliefs.


“Du’n ko talaga na-realize na God-sent s’ya para sa ‘kin,” ani Kristel.


Padir ni Daniel… ROMMEL, TALUNAN BILANG MAYOR SA NUEVA ECIJA


BASE sa official and unofficial results nitong nakaraang midterm elections, may ilang celebrities na hindi pinalad sa kanilang pagtakbo ngayong halalan. May wagi rin namang mga artista.


Kabilang sa mga celebrities na nanalo sa katatapos lamang na midterm elections na ginanap nitong May 12, 2025 ay ang former beauty queen na si Leren Bautista, na kasintahan ng basketball player na si Ricci Rivero. Nahalal siya bilang konsehal ng lone district ng Los Baños, Laguna sa pangalawang pagkakataon.


Ang dating Star Magic Circle star na si Niña Jose-Quiambao ay nanalo ring mayor ng Bayambang, Pangasinan, sa kanyang ikalawang termino.


Ang anak ni Alma Moreno kay Joey Marquez na si Yeoj ay nahalal na konsehal ng unang distrito ng Parañaque City.


Nanalo rin bilang board member ng second provincial district ng Laguna si Tutti Caringal ng 6CycleMind.


Muling nagwagi bilang mayor ng Pandi, Bulacan si Enrico Roque, ang producer ng CineKo Productions.


Sa kasamaang palad, natalo ang actor na si Dan Fernandez sa kanyang gubernatorial bid sa probinsiya ng Laguna, kalaban ang dating ABS-CBN News anchor na si Sol Aragones.


Hindi rin pinalad na manalo ang kanyang anak, ang aktor na si Danzel Fernandez, na tumakbong cong. ng lone district ng Sta. Rosa, Laguna.


Hindi natupad ang pangarap ni Lito Camo na paglingkuran ang kanyang mga kababayan sa Bongabong, Oriental Mindoro dahil hindi siya nanalong alkalde ng kanilang bayan.


Hindi rin nagwagi si Rommel Padilla, ang ama ni Daniel Padilla, na kumandidatong mayor ng Cuyapo, Nueva Ecija.


Tulad ng kanyang kapatid na si Anjo Yllana na tumakbong vice-mayor ng Calamba City, Laguna, hindi pinalad si Paulie Yllana na maging konsehal ng lone district ng naturang siyudad.


Malungkot din ang kinahinatnan ng pagtakbo ni Bobby Yan, ang kuya ng pumanaw na aktor na si Rico Yan, dahil hindi siya nagwaging konsehal sa lone district ng City of Cabuyao, Laguna.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page