Wala naman daw silbi… AGOT: NAKAKAWALANG-GANA BUMOTO
- BULGAR
- May 13
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | May 13, 2025
Photo: Agot Isidro - IG
Most of our celebrities ay may kani-kanyang post sa social media pagkatapos nilang bumoto kahapon. Isa sa kanila ay ang singer-actress na si Agot Isidro.
Sa X (dating Twitter) ay nag-post si Agot ng naging karanasan niya sa pagboto sa kanyang presinto.
Post ni Agot, “Long line outside area where I cast my ballot. Good thing brother is a senior & we skipped the line. Inside, there’s only one machine working & it’s slow.
“Had no intention of voting because honestly, nakakawalang gana. Futile exercise. But I’m here. I guess may spark of hope pa rin.”
Maraming netizens ang naka-relate sa sitwasyon ni Agot kung ano ang nag-push sa kanila na bumoto sa kabila ng mga aberya.
Sey ng mga netizens:
“About 7:30 AM nasa linya na ako, natapos ako ng around 10:15 AM. Almost 3 hours din. Para sa bayan!”
“I was also hesitant to vote, pero ‘yun, paggising kaninang umaga, naligo at umuwi nang maaga sa Bulacan. 3 oras sa pila and masaya dahil naiboto ko ang mga karapat-dapat.”
“‘Wag bibitaw sa spark of hope, Ma’am. ‘Yan na lang ang nagbibigay-liwanag sa madilim na ngayon. Kailangang panghawakan.”
That’s it pansit!
VIRAL ang mga celebrities na kandidato ngayong halalan na nagpunta sa kani-kanilang presinto kahapon para bumoto.
Lumutang sa socmed (social media) ang pictures at video ng Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto kasama ang kanyang mister na si Finance Secretary Ralph Recto, mga anak na sina Ryan Christian at Luis Manzano with his wife na si Jessy Mendiola na naghihintay sa labas ng presinto nila sa Lipa City, Batangas.
As we all know, nagta-try si Ate Vi na maluklok ulit bilang governor ng Batangas, at si Luis naman ang kanyang running mate as vice-governor, habang ang bunso na si Ryan ay tumatakbong kinatawan sa ika-6 na Distrito ng Batangas.
Nasabi ni Ate Vi sa isa niyang interbyu dati na ang kanyang pagbabalik sa pagka-gobernador ay bilang isang ‘call of duty’.
Pahayag ni Ate Vi, “Kung kami po ay papalarin, nandirito po kami at handang magbigay ng serbisyo. Lumaki ang dalawang ito, na pareho na po kaming nagsisilbi ni Secretary Ralph Recto.”
Another actress na spotted nu’ng bumoto ay si Aiko Melendez. Balik-pulitika rin si Aiko this election. She’s running for councilor in Quezon City's 5th District.
It’s been 11 years nu’ng huling umupo for public post si Aiko. Wala naman daw pag-aalinlangan na bumalik siya sa serbisyo pagkatapos ng maraming taon.
Samantala, ipinost naman ni Angelu de Leon sa Facebook (FB) ang picture nila ng kanyang dalawang anak na babae at mister na si Wowie Rivera pagkatapos bumoto sa Pasig City kahapon.
Caption ni Angelu: “Bumoto para sa bayan, para sa kinabukasan. God, Your will be done (praying emoji).”
Tumatakbo si Angelu for her second term as Pasig City councilor sa ilalim ng partido ni Pasig City Mayor Vico Sotto.
Comments