Mga artista, tinawag na bobo, niresbakang kalbo... ARNELL KAY G: LUKA-LUKA KA NA, GAGA PA!
- BULGAR

- Nov 9, 2020
- 3 min read
Julie Bonifacio - @Winner | November 9, 2020

Tinawag na "luka-luka" at "gaga" ni Arnell Ignacio si G Tongi sa recent vlog niya sa kanyang YouTube channel, ang The Arnell Channel. Ito'y dahil sa humahabang isyu tungkol sa "kalbo" at "plug-ins."
Punto por puntong sinagot ni Arnell ang tirada sa kanya ni G na ipinost ng US-based Pinay celebrity sa kanyang Twitter account.
Nagsimula ang sagutan nila sa post ni Arnell tungkol sa mga taga-showbiz na mahina ang ulo.
"'Yun naman talaga kadalasan sa mga taga-showbiz ang tingin ng mga 'di taga-showbiz," panimula ni Arnell.
Nalalait daw silang mga artista dahil mahina ang kanilang ulo. At isinama ni Arnell ang kanyang sarili sa mga artistang tinutukoy niya.
"Ang sabi ko (sa FB post niya), 'Nakakasama nga ng loob noon.' Nasaan ang panlalait doon? I won't describe it. I was telling you an experience. Ako, naranasan ko 'yan, eh, 'di ba?
Masuwerte ka, ikaw, hindi. So, I was telling a fact," saysay ni Arnell.
Pagkatapos ay binalikan niya ang karugtong ng kanyang FB post.
"Pero ngayon, sinundan ko, 'Mahirap nang ipagtanggol.' Kasi nga, ibig kong sabihin, ipinagtatanggol ko ang mga artista lalung-lalo na kapag kausap ko ang mga non-showbiz friends ko na laging merong maling impresyon sa atin.
"Kaya sabi ko, 'Pero ngayon, ang hirap ipagtanggol, ang dami kasing pruweba. May yabang pa sa katangahan.' 'Di ba?"
Dugtong ni Arnell, "Ito ba ay inimbento ko lang? Ako lang ba ang nakapansin nito? Daan-daang libong mamamayan na napapansin niya na ang hilig nang sumasawsaw sa napakaraming artista."
Wala naman daw siyang pakialam doon. Ang sinasabi lang daw ni Arnell, aralin muna kung ano ang sasabihin.
"Para nga hindi nasasabihan ng tanga. So, ano ang nakakasama ng loob sa sinabi ko? Kung talagang susuriin mo 'yung statement ko, 'di ba, wala akong binanggit na pangalan? So, hindi ito tungkol sa PRO or ANTI. I was describing a situation. I was describing an experience at sa mga nakikita ko, 'di ba?"
Then, nag-reak na si Arnell sa tweet ni G na direktang binanggit ang pangalan niya.
"At eto naman ang sinabi mo, 'Arnell, dahan-dahan LANG SA PAG-ATAKE NG MGA KASAMAHAN SA INDUSTRIYA,'
"SAANG PARTE doon ang inaatake ko?" pagtatakang sabi niya.
"Na 'Ginamit lang naman ang kanilang boses na karapatan naman nila,' yes! Ayan na naman ang freedom of expression. Pareho tayong naniniwala d'yan. Pero dapat, naniniwala kayo, given that freedom, dapat din bago ka mag-post, o bago ka magsalita, o bago ka maghayag ng 'yong saloobin na maririnig at mababasa ng lahat, 'di ba dapat, iisipin mo rin? You just don't do things because you can. You should also consider if you should."
Sa sumunod na laman ng tweet ni G ay natawa naman si Arnell. Sa tagal na kasi ng pagnenegosyo niya ng wigs, meron pala siyang 'di alam na natutunan kay G.
"Parang kakaiba sa lahat. Eto, tumambling ako, eh. 'Sa kaalaman ko, ang may mahinang ulo ay 'yung 'di tumutubong buhok mo,'" sabay tawa ni Arnell.
"'Kaya tuloy naka-plug-ins ka.' Alam mo, dito, alam mo, honestly, ha, G? Dito, tawagin mo akong tanga, bobo, pagsisigawan mo ako, hambalusin mo ako, hindi ko alam na ang tawag pala dito (wig) ay plug-ins. Hindi ko alam. May nadagdag (na kaalaman). Puwede mo akong tawaging tanga, 'Arnell, tanga!' I wouldn't mind."
Bigla namang nagseryoso ulit si Arnell when he discussed the issue na kapag daw ba kalbo, mahina na ang ulo?
"'Yung mga hindi tumutubong buhok mo," so, ako 'yun at 'yung mga kliyente ko na walang buhok. Eh, ang dami kong kliyente na ang titindi ng isip. May mga lawyers, politicians," diin niya.
Sabi pa ni Arnell, "Ako, hindi ako nagagalit sa 'yo. Natatawa ako kasi sanay naman ako sa ganyan. Eh, hindi ko lang mapapanagutan ang mga kliyente namin dito (sa kanyang plug-ins business) at saka 'yung iba pang tinamaan."
At sa paalala ni G na magdahan-dahan si Arnell sa kanyang mga salita, nilinaw ng kilalang Pres. Duterte supporter na nagdahan-dahan naman daw siya.
"Alam mo, G, ikaw ang nagmamadali na patunayan ang ipinupunto ko. Ikaw....luka-luka. So, ibig mong sabihin, lahat ng kalbo, bobo?
"'Yung mga prominenteng tao, bobo? ''Yung kalbo, o?' Parang ganu'n, ha? Baka nami-misinterpret ko. Eh, 'di ako naman ang tawagin mong tanga, 'di ba?"
Sa huli, niyaya ni Arnell si G na mag-subscribe sa kanyang The Arnell Channel sa YouTube, pati na rin daw ang singer na si Mystica at iba pa na umaaway sa kanya.
At dahil sa inihain daw ni G na konsepto, ang sagutan sa mga post sa social media, seseryosohin na raw ni Arnell ang pagba-vlog.
"Mag-subscribe ka. Tapos magganituhan tayo nang magganituhan, ha?"
Bago mag-end ang kanyang video ay may mensahe pa si Arnell na nais iparating kay G.
"Kung ikaw ay pinagsususpetsahan, gaga ka, walang laman ang ulo mo, huwag mo nang bigyan ng pruweba na makukumpirma ang nagsususpetsa," pagtatapos ni Arnell.




Comments