top of page

Mga artista ng 10 MMFF entries, game na game na…PARADE OF STARS, 5 ORAS AT DADAAN SA 4 NA SIYUDAD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 16, 2023
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | December 16, 2023




Ngayong Sabado, Disyembre 16, mapapanood sa buong CAMANAVA area ang naggagandahang floats ng mga pelikulang kasama sa 2023 Metro Manila Film Festival. 


Sa kasaysayan ng Metro Manila Film Festival 2023 ay itong taon ang may pinakamahabang oras ng Parade of Stars dahil apat na lungsod ang dadaanan - Caloocan, Malabon, Navotas at magtatapos sa Valenzuela City, kaya’t kulang sa limang oras ang gaganaping parada dahil sampu ang pelikulang kalahok, bukod pa sa malalaki ang mga artistang kasama.


Ang float sequence ay: 1. Firefly, 2. When I Met You in Tokyo, 3. Rewind, 4. Broken Hearts' Trip, 5. Mallari, 6. Penduko, 7. Gomburza, 8. Family of Two, 9. Kampon, 10. Becky and Badette 


Kaya sa mga nag-aabang sa kani-kanilang bahay-bahay sa mga paborito nilang artista ay may idea na kayo kung pang-ilan sila.


Samantala, sa ginanap na MMFF Auditorium inauguration sa bagong opisina ng MMDA building sa Julia Vargas Extension, Pasig City ay nagsama-sama ang mga sikat na leading men ng showbiz tulad nina Piolo Pascual, Enchong Dee, Derek Ramsay at Piolo Pascual para sa ribbon-cutting kasama si Metro Manila Development Authority Chairman Atty. Romando Artes kasama ang ama ng Lungsod ng Pasig na si Mayor Vico Sotto at si Atty. Rochelle Ona.


Sa ginanap na mediacon ay kasama naman ang MMFF Execom member na si Boots Anson-Rodrigo at sina Alden Richards, Cedrick Juan, John Arcilla, Iyah Mina, Kylie Verzosa, Eugene Domingo, Alessandra de Rossi at Christopher de Leon.Natanong ang mga celebrities kung ano ang expectation nila sa mga pelikula nila ngayong MMFF 2023. 


Sabi ni Dingdong na naunang sumagot para sa pelikulang Rewind, “With regards to expectations, ang kaya lang po talaga naming maisagot diyan ay kung ano ang puwede naming ibigay as performers, maybe also as producers. 


“Kasi sa totoo lang, hindi po natin mape-predict kung ano ang magiging reception ng mga manonood. Ayaw po naming mag-expect kasi gusto namin ‘yung mako-control lang po namin which is ‘yung aming performances. 


“Pero gina-guarantee po namin na 100% po talaga ang aming commitment at ibinigay dito. So more than expectations, it is our prayer and our hope na ma-appreciate po talaga nila ‘yung trabaho namin.” 


Mula naman sa Gomburza star na si Enchong Dee, “Kumbaga, gusto namin na tumagal siya, gusto namin na panoorin siya ng mga Filipino even after the Metro Manila Film Festival. And ‘yun ang pinaka-inspiration sa pelikula namin sa Gomburza, that it goes beyond the film festival, may it be here in the Philippines or outside the country.” 


Mega-puri naman ni Eugene ang MMFF organizers at MMDA, “Sa totoo lang, nagsasayahan lang kami, pero sa totoo lang, kabadung-kabado kami. Ako, kabadung-kabado. 


“Ayaw ko na mag-expect. ‘Yun na lang, may mga bagay na hindi natin ma-control, so talagang sinurender ko na sa Panginoon. At panay din naman ang hingi namin ng tulong sa kinauukulan, baka naman puwede tayong magtulungan na maging madali na sa lahat ng tao na makabili ng ticket. 


“Maipaalam sa mga tao na may mga pelikulang puwede nilang panoorin at saka puntahan sa Pasko. So wala po akong ine-expect kung hindi gusto ko na lang i-congratulate lahat ng mga kasama ngayon sa MMFF, sa MMDA sa hindi natin pagsuko. ‘Yung lakas natin, talagang lalo nating pinatitibay because we believe that this tradition is really important.” 


Say naman ng Firefly star na si Alessandra, “Expectations? Siyempre, number 1 kami, charot! Ang Firefly lang ‘yung talagang pampamilya. All ages are welcome.” 


Mula kay Mallari himself, Piolo Pascual na tawa nang tawa sa pangungulit sa kanya ni Alessandra, “Sabi nga, all cards on deck para sana lang, talagang maibigay ng mga tao ang suporta. We always believe na may chance tayo na maipakita ang ganda ng pelikulang Pilipino. Sana ma-appreciate po ng lahat, hindi competition ito, magkakaibigan po kaming lahat, magkaka-contemporary tayo sa industriya, so sana po talaga.” 


Ayon kay Kylie na leading lady sa Pedro Penduko, “I guess it’s to enjoy the movie that we made para i-celebrate rin ang pelikulang Pilipino.” 


Mapapanood naman ang MMFF Awards Night sa Disyembre 27 na gaganapin sa New Frontier Theater, Araneta Center. 

 

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page