top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga anak, pinagko-condom… MARICEL, AYAW PANG MAGING LOLA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 21, 2023
  • 4 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 21, 2023



Kung ang ibang senior stars ay naaapektuhan kapag nakakaranas o nakakakita sila ng mga artistang nabibilang sa Gen Z na hindi marunong bumati o magbigay-respeto sa co-actors nila, dedma naman ang drama rito ni Maricel Soriano.


Bungad ng aktres, “Nakakita ako ng ganu’n pero hindi ako ang ginanu’n. Kumbaga, nasasaktan din ako kapag nakakakita ako ng mga ganu’n na hindi man lang nagbigay-pugay.”


Isa ito sa mga topics nila ni Ogie Diaz sa YouTube channel nitong Ogie Diaz Inspires na in-upload nitong Biyernes nang gabi.


Kuwento ng Diamond Star, noong kabataan nila ay, “Kami kasi, pudpod ang lips namin sa kahahalik (senior stars noon) kasi iyon ang training namin. Nakagisnan namin iyon na magbigay-pugay ka. Kahit nasa dulo pa ng ano ‘yan (puwesto ng senior star), pupunta ako ru’n, ‘Tita, nandito na po ako. Ako po si Marya.’”


Kaya naman daw dedma si Marya sa Gen Z stars ngayon, “Sinabi ko sa sarili ko, ayaw kong ma-stress sa ganyan. Number one, hindi ko naman kayo kilala, bakit ko naman i-stress-in ang sarili ko, 'di ba? Now if you come to me and tell me who you are then I will entertain you. But if you’re not coming to me and say ‘hello,’ eh, di wala ka ring mapapala sa aking ‘hi.’


‘Wag nang dibdibin (mga walang galang), hindi worth it. Mga bata ‘yang mga ‘yan, hindi nila alam ang ginagawa nila.”


Pero lahat naman ng mga nakatrabaho ni Maricel na nabibilang sa millennial ay hinding-hindi siya malilimutan dahil marami silang natutunan sa premyadong aktres at may nanay sila sa set na nag-aalaga sa kanila at higit sa lahat, napaka-generous nito pati sa production staff na walang pinipili kahit utility pa.


Pagdating naman sa personal na buhay ni Maricel ay natanong din ni Ogie kung bakit dalawa lang ang anak niya, sina Marron at Sebastien.


“Nag-period, eh. Hindi dot-dot-dot. Period, eh,” kaswal na sagot ng aktres.


Sabi ni Ogie, “Imagine kung may anak kayo ni Edu (Manzano).”


“Oo, ang guwapo siguro ng anak namin, ‘no?” sambit naman ni Maricel.


Napagkuwentuhan din na kapag nasa set daw ng isang proyekto ang aktres, ang madalas na tsikahan nila ng mga co-stars niya ay tungkol sa kanilang mga pamilya at mga anak.


Nagugulat nga raw si Maricel sa mga kabataan ngayon na dumadalo sa party dahil "Nagsisimula ng alas-dose? Sabi ko, eh, patay na si Cinderella, nahuli na,” reaksiyon nito na ikinatawa nang husto ni Ogie.



Hindi rin niya maintindihan ang mga gimik na inuumaga.


“Sabi ko, 'Bakit, silaw na silaw ba kayo sa araw? Bakit, kamag-anak n’yo ba si Dracula? Paano n’yo nagagawa ‘yan?' Ako, nakakapagpuyat ako kahit 48 hours pero nagtatrabaho ako,” diin ni Marya.


Pagdating naman sa mga anak ay inamin niyang hindi uubra sa kanya ang mga ganitong istilo at kailangang magpapaalam sa kanya kapag aalis at magpapakita kapag dumating na.


"Dapat kumi-kiss bago umalis, tapos 'pag dumating, ‘Nandito na ako, ‘Ma.’ Dapat ganu’n.


Pero 'pag minsan, nakakalimutan ako, sabi ko (sa mga anak ko), ‘Which part ang hindi ninyo naintindihan sa sinabi ko? Uulitin ko at explain ko nang todo-todo.' Parang (mga) bingi?


“Dalawa lang ‘yun, bingi o tanga. Nakakainis kasi inoohan ka, pero hindi ginagawa! Bakit ba ganu’n?” pangangatwiran ng tinaguriang mataray na aktres noong kapanahunan niya.


At kaya raw ganito ang ugali niya ay dahil nu'ng bata siya, magalang din siya sa kanyang mga magulang.


Paano niya kinakastigo ang mga anak kapag hindi nagpapaalam?


“Kasi malaki na sila, hindi na puwedeng pagalitan o padapain para paluin. Ang lalaki, eh, malaki pa sa akin."


Tanong daw niya sa mga anak, "So, paano? Ganu’n na lang?"


Balik-tanong naman daw ng mga anak, “Ano'ng ganu’n na lang, Ma?"


“Sabi ko, 'Ganu’n na lang? Bastusan na lang tayo. Gusto n’yo, 'pag ako rin umalis, wala, dedmahan? Kaya ko ‘yan, hindi ko kayo kakausapin!'


“'Ay, hindi, Ma, ‘wag naman ganu’n.' At nakaluhod na ‘yang mga 'yan na kapag sinabi kong hindi ko sila kakausapin, dedma ako na kahit ano'ng sabihin nila, hindi ako sumasagot, bisi-bisihan ako. Hindi nila kaya ‘yun,” pagdedetalye ni Maricel sa usapan nila ng dalawang anak.


Old school ang istilo ni Maricel sa pagdidisiplina sa mga anak kaya ang tanong ni Ogie ay kung hindi ba sila nababaduyan.


“Subukan nilang mabaduyan, eto (muwestrang sasampalin), eto, subukan lang nila!” diin ng mama nina Marron at Sebastien.


Sabi pa, “May rules and regulations ang bahay, kailangang susundin ninyo kasi 'pag hindi, ‘Hit the door.' Malalaki na kayo, 'di ba? Hit the door,” na ibig sabihin, lumayas na ang mga anak sa bahay, pero hindi naman ginagawa ng mga ito.


Sa edad na 58, gusto na ni Maricel na magkaroon ng apo, pero lagi raw sagot ng panganay na si Marron ay hindi pa time.


“Kasi noon, lagi kong sinasabi na mag-condom sila dahil ayokong maging lola agad, eh.


Namihasa naman yata sa condom, hahahaha! Ano ba ‘yun?” tumatawang tsika ni Marya.


Hopefully, pagtungtong niya ng edad 60 ay may mga makakalaro na siyang nagtatakbuhang apo sa loob ng bahay nila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page