Mga anak ni Brigand, lalarga sa Juvenile series
ni Green Lantern @Renda at Latigo | December 24, 2022
Limang mga supling ni Brigand ang sasabak sa 3rd Leg ng PHILRACOM Juvenile Stakes series na ilalarga sa Metro Manila Turf, Malvar, Tanauan City sa Batangas, ngayong araw.
Si Brigand ang premier stallion ni horse owner Melaine Habla, magpapasiklaban ang limang anak nito sa distansiyang 1,400 meter race.
Makikipagtagisan ng bilis ang mga anak ni Brigand na sina first at second leg winners Istulen Ola at La Trouppei ayon sa pagkakasunod, Earli Boating, Keep Da Trick at Winner Parade laban sa ibang kalahok.
Nakalaan ang P1.8-M garantisadong premyo, kasali rin ang Light Bearer, Player Andri, Swakto Power Duo, Sweetie Giselle, Gintong Hari at Rough Cut sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM). "This is a must see race for all horseracing aficionados as these two-year-olds will be our Triple Crown contenders next year.
Who knows, we might be watching the next TC sweeper," saad ni PHILRACOM chairman Reli De Leon.
Susungkitin ng unang kabayong tatawid sa meta ang P1,080,000 kaya paniguradong masaya at magarbo ang Pasko ng mananalo.
Samantala, ilang araw na lamang ang karera sa taong 2022, hiling ng mga karerista na mas maging masaya ang kanilang pangangarera bago mataas ang taon.





Comments