Mga anak, malaya na rin daw… ALJUR, HAPPY NA ‘DI NA SILA NAGTATAGO NI AJ
- BULGAR

- 8 hours ago
- 2 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | December 15, 2025

Photo: File / IG Aljur at AJ
“Hindi na kami nangangambang lumabas, ‘di na kami nagtatago,” ito ang ibinahagi ng aktor na si Aljur Abrenica sa TV Patrol sa panayam ng entertainment journalist na si MJ Felipe kamakailan lang.
Kinumusta nito ang buhay-pamilya at career ng guwapong aktor.
Wika ni Aljur, “Nagpapasalamat ako dahil mula January hanggang December na ngayon ay hindi tayo pinabayaan ng Panginoon. Binigyan tayo ng mga blessing through Direk Coco (Martin). Higit sa lahat, nabunutan tayo ng tinik.
“‘Yung pamilya ko ay, ah, alam mo ‘yun? ‘Di na kami nangangambang lumabas, ‘di na kami nagtatago. ‘Yun ang ipinagpapasalamat ko sa Panginoon, na nabigyan ng kalayaan ‘yung mga bata kasi ‘yun ang gusto namin, maging masaya sila.”
Tanong ni MJ, “Super happy kayo? Nakikita ko ‘yung mga ipino-post n’yo ni AJ, ‘yung weekend bonding n’yo, ano ‘yun?”
Sagot ni Aljur, “Laging ganu’n sa bahay. ‘Yun ‘yung routine namin. Lagi kaming naglalaro kasama ‘yung mga bata at happy ako na nailabas na.”
Tanong ni MJ, “Best Christmas gift ‘yun?”
Sagot ni Aljur, “For me, yes. Oo, ‘yun ‘yung pinakamagandang nairegalo sa akin ng Panginoon.”
Anyway, basta para sa ikaliligaya ng mga bata, walang tututol d’yan. ‘Di ba naman, magandang aktres na may pusong mapagbigay si Kylie Padilla?
“DITO sa Pasig, ‘di uso ang P500,” ito ang buong-pusong pagmamalaking sinabi ng veteran singer na si Renz Verano.
Sa social media post ng singer, pinuri niya ang kanilang mayor na anak ni Bossing Vic Sotto na si Mayor Vico Sotto.
Saad ni Renz, “Thank you, Mayor Vico! The best ka!
“Dito sa Pasig, ‘di uso ang P500. Senior citizen lang dito, P3,000 na ang ibinibigay ni Mayor Vico. May ham mula sa barangay at may groceries pang ibinibigay si Mayor sa bawat pamilya. Iba talaga ‘pag mahusay at may puso ang pinuno. Sa inyo, ano’ng ibinigay nila?”
Well, waley! As in walang nakuha si yours truly. Kaya kanta na lang tayo ng “Some guys have all the luck… Some guys have all the pain… Some guys get all the breaks… Some guys do nothing but complain…”
Boom, ganern!
SAMANTALA, bida sa iWant ngayong Pasko at Buwan ng mga Overseas Filipino ang GMA Pinoy Bundle para sa mga kababayan abroad, tampok ang kilig, halakhak, drama, at iba pang Pinoy feels na kanilang hinahanap-hanap. Maaaring madama ito sa mga shows na napapanood sa iWant.
Damang-dama ang yakap at init ng mga kuwentong Pinoy hatid ng mas pinalawak na pagpipilian ng mga palabas kasama ang ilang paboritong Kapuso
Bida sa GMA Pinoy Bundle ng iWant ang pasabog collab ng Kapuso at Kapamilya sa mga inaabangan at trending shows ng madlang pipol na It’s Showtime (IS), kasama sina Vice Ganda, Jhong Hilario, Vhong Navarro, at Anne Curtis. Mapapanood din ang latest episodes ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 (PBBCCE2.0) tampok ang Kapuso at Kapamilya teen housemates, na mapapanood saanman sa mundo (maliban sa North America, Latin America, at Spain).
‘Yun lang, and I thank you.








Comments