top of page

Ala-Jinkee kay Pacquiao… JILLIAN, TODO-SUPORTA SA BOXING FIGHT NI EMAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 13 hours ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | March 2, 2026



Jillian Ward at Eman Bacosa Pacquiao

Photo: Instagram - Jillian Ward



Lumipad pa-Tagbilaran City si Jillian Ward para manood at bigyan ng suporta si Eman Bacosa Pacquiao sa laban nito. Nakadagdag yata kay Eman ang presence ni Jillian dahil nanalo ito via TKO (technical knockout) laban sa Indonesian boxer. 

Kasama ni Jillian na nanood kay Eman ang kanyang buong pamilya.


Sa isang picture, makikitang magkatabi si Jillian at ang mom ni Eman. 

May nag-comment naman sa picture ni Jillian na halatang worried habang nasa boxing ring si Eman at ikinumpara siya kay Jinkee Pacquiao na ganu’n din ang hitsura ‘pag may laban ang tatay ni Eman na si Manny Pacquiao.


Nagpasalamat si Eman sa pagdating ni Jillian at sa suportang ibinigay nito sa kanya. Baka sa mga susunod na laban, kapag libre ang aktres, suportahan din niya ulit si Eman.

Comment ng mga fans, parang ibini-build up ng Sparkle na ka-love team ni Jillian si Eman.





Ang paniwala pa nila, baka kapag natapos ang Never Say Die (NSD) nina Jillian at David Licauco, si Eman na ang ipareha sa aktres. Hindi na mahihirapan ang GMA to market them dahil may mga fans na ang dalawa.


Matatandaang sa interview kay Jillian sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), ini-reveal na si Eman ang mystery guy na kasama niya sa TikTok entry at version niya ng ‘Big Guy challenge’. May mga kinilig nang ma-reveal na si Eman ang nasa likod ni Jillian habang nagsasayaw.


May mga hindi natuwa dahil parang inirereto raw ng GMA-7 si Jillian kay Eman Bacosa Pacquiao, at pinagmukha raw cheap ang aktres. May mga kontra rin na gawing love team ang dalawa at mas mabuti raw kung hanapan ng ibang makaka-love team ang aktres. 


Pero kung isang project lang naman ang pagsasamahan nila, walang masama para iba-iba ang nakakatrabaho ni Jillian.



MUNTIK nang mapunta ang aktres-host na si Anne Curtis sa Dubai dahil makikita sa Instagram (IG) post niya na, “Was on my way to meet my little fam in Dubai when I noticed a high-speed jet flying beside us.” 


Sinundan ito ng post na, “I noticed another one and next thing I knew they announced we would be turning around and making our way back to Milan due to the airstrikes. All flights to the Middle East have been grounded.”


May sumunod pang post si Anne na, “Praying for all the families in the Middle East. Sa mga kababayan natin, ingat po. Stay safe everyone. Hoping things ease soon.” 

Sa isa pang post ni Anne, picture ng anak na si Dahlia ang ipinakita na may pinapanood. 


Stay safe, my little one,” ang overlay text ni Anne.

Hindi nagkita sina Anne at ang kanyang pamilya sa Dubai dahil bumalik ang flight nila sa Milan kung saan nag-attend siya ng Milan Fashion Week. Dapat magkikita sila sa Dubai ng asawang si Erwan Heussaff at anak nilang si Dahlia. 


Hopefully, nakabalik na sa Pilipinas ang mag-ama ni Anne Curtis at dito na sa bansa sila magkita-kita.



MAY appreciation post si Ice Seguerra sa mga nanood ng kanyang Being Ice, Live! concert last February 27. 


Bago magtapos ang concert, humingi ng selfie si Ice sa audience na kanyang ipinost sa Instagram (IG).


Mensahe niya, “Last night was special. ‘Di lang s’ya homecoming pero pakiramdam ko, bumuhos ang pagmamahal natin sa bawat isa.


“Thank you for taking time to watch the concert last night and for making it a beautiful experience for me. Seeing all of you there and hearing you all sing along made me feel so many emotions.


“Thank you to my fans who have been there since day 1 and through all the many changes ay nandito pa rin 39 years after.


“Mahal na mahal ko kayo. Maraming salamat pong muli.”

Lahat ng comments ay nagsabing nag-enjoy sila sa concert, na sabi ni Liza Diño-Seguerra ay umabot ng three hours. Lahat ng numbers, puro kay Ice at kahit ang guest ang may number, kasama pa rin ito.


Sa concert din ini-launch ni Ice ang new single niyang Ikaw Ang Wakas na collab nila ni Liza. 


Sey ni Ice, “Ibang klase ang kaba ‘pag kakantahin mo ng first time ang bagong kanta in front of a live audience. Pero seeing you there in front gave me the support I needed. I’m so proud of our new baby, Liza! Congratulations!”


Mahal ng kanyang mga fans si Ice Seguerra at sinuklian nito ang pagmamahal at suporta sa kanya. Pati ang lodge at balcony ng New Frontier ay pinuntahan din nito para mag-thank you. Ang saya ng mga audience na nilapitan sila at ang iba, nayakap at nahalikan niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page