Mga anak kay Richard, kawawa raw… ATTY. PERSIDA KAY SARAH: MAHALIN AT PAKIBAGAYAN ANG MOTHER-IN-LAW
- BULGAR
- Jan 27, 2024
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 27, 2024

Wala na kaming masabi sa husay ng pakikisama sa entertainment press ni PAO Chief Atty. Persida Rueda Acosta.
Sa kabila ng kanyang pagiging abala sa PAO ay nabigyan pa niya ng oras ang mga newly elected officers ng Phil. Movie Press Club sa pangunguna ng nahalal na pangulo na si Rodel Fernando. Si Atty. Persida ang nag-induct sa mga bagong halal na opisyales ng PMPC.
Pagkatapos ng panunumpa ay tsika to the max na si Atty. Persida sa mga latest na kaganapan sa showbiz. Labis daw niyang ikinalungkot ang pagbe-break nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na matagal ding naging magkarelasyon.
Wish niyang magkabalikan ang KathNiel.
May word of advice rin si Atty. Persida kay Sarah Lahbati na may gap ngayon kay Annabelle Rama. Dapat daw ay minamahal at pinakikibagayan ni Sarah ang kanyang mother-in-law. Nakakaawa raw ang mga anak nila ni Richard Gutierrez kung magiging produkto ng broken home.
With regards sa kanyang political plan sa 2025 election, still waiting for the sign si Atty. Acosta kung tutuloy siya.
Flattered siya sa magandang feedback sa kanyang pagseserbisyo sa Public Attorney's Office (PAO) for 23 years. Maraming pagkilala-recognitions ang natanggap ng PAO at ni Atty. Persida mula sa iba't ibang organisasyon.
Kaya naman, marami ang nagsasabing truly deserving siya sakaling mahalal na senador. At tulad ng yumaong si Senadora Miriam Defensor Santiago, asahan na ang paglilingkod sa mahihirap ang kanyang prayoridad.
Kung si ex-P-Du30 nga, ‘di umubra…
WILLIE, AYAW TANTANAN PARA TUMAKBONG SENADOR

Kahit ilang taon nang nawala sa ere ang programa niyang Wowowin, malakas pa rin ang recall ni Willie Revillame sa masa. At labis niyang ikinagulat na sa mga lumalabas na surveys sa mga senatoriables ay lagi pa rin siyang kasama sa Top 10.
Meaning, hanggang ngayon ay marami pa rin ang may gusto na pumasok si Revillame sa pulitika at tumakbong senador sa 2025 elections.
Matatandaan na noong panahon ni ex-P-Du30 ay personal pa siyang kinausap ng dating Pangulo upang isama sa ticket ng mga senators sa kanilang partido.
Pero, hindi ito tinanggap ni Willie dahil mas pinili niya ang Wowowin. Besides, nag-alangan siya dahil hindi niya linya ang pulitika. Hindi niya ma-imagine ang sarili bilang senador.
Ganunpaman, hindi tumitigil ang ilang political group na siya ay kumbinsihin para tumakbong senador sa darating na 2025 election.
Well, birthday ngayon ni Willie Revillame at magse-celebrate siya ng kanyang 62nd birthday.
Who knows, baka may mabago na sa kanyang desisyon? At 'yun tiyak ang aabangan ng kanyang mga fans at supporters.
Sa mga negosyo siya ngayon abalang-abala at puro mga big time businessmen ang kanyang madalas na ka-meeting.
Pero, ang talagang nami-miss daw niya ay ang mga matatandang laging nanonood sa studio ng Wowowin.





Comments