- BULGAR
Mga anak at pamilya, botong-boto sa ex-husband, Bistek… RUFFA, NAKIPAGKITA ULI KAY YILMAZ SA ITALY
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 21, 2022

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Milan, Italy si Ruffa Gutierrez kasana ang bunsong anak na si Venice. Balitang imi-meet nila rito ang kanyang ex-husband na si Yilmaz Bektas na nagsabing gusto ulit niyang ligawan ang ina nina Lorin at Venice.
Bagama't maraming nakarelasyon si Bektas, wala naman daw itong pinakasalan matapos ang paghihiwalay nila ni Ruffa.
Ang dalawang anak ni Ruffa ay pabor na magkabalikan ang kanilang parents. Maging ang mom ni Ruffa na si Annabelle Rama ay nagpahayag na pinatawad na niya si Yilmaz.
Kaya walang magiging problema sakaling magdesisyon si Ruffa na makipagbalikan sa ama ng kanyang mga anak.
Para naman sa ilang netizens, praktikal at wise decision daw kung muling tatanggapin ni Ruffa ang ama nina Lorin at Venice. Makakasiguro na ng matatag at magandang future ang dalawang bata dahil tiyak na susuportahan sila ni Yilmaz. After all, may karapatan sila sa yaman ni Bektas dahil legal silang mga anak.
Ang tanong naman ng mga Marites, paano na ang rumored boyfriend ni Ruffa na si Herbert "Bistek" Bautista? Handa ba niyang isakripisyo ang kanyang kaligayahan alang-alang sa kanyang mga anak?