- BULGAR
MGA ALAHAS NINA SHARON AT REGINE SA CONCERT, MALA-CHANDELIER SA LAKI NG DIAMONDS
ni Julie Bonifacio - @Winner | June 20, 2022

Sulit na sulit ang panonood ‘di lang ng mga fans kundi pati na ng mga Marites sa Iconic concert nina Megastar Sharon Cuneta at Asia’a Songbird Regine Velasquez sa Marriott Hotel last Friday night.
Kung naaliw ang mga fans, nagpista naman ang mga Marites sa dami ng chika nina Mega at Regine sa concert.
Bukod sa pagbabati nina Sharon at former Secretary Salvador ‘Sal’ Panelo, may iba pang “eksena” sa concert.
Umpisa pa lang ng concert ay may pa-reveal na si Sharon sa nalalapit na pagtatapos ng top-rating Kapamilya action-serye na FPJ’s Ang Probinsyano kung saan isa siya sa mga naglalakihang celebrities na kasama rito.
Pinuri-puri kasi ng dalawang higanteng singers ang todo-kumikislap na suot nilang gowns, plus ang makikislap na mala-chandelier sa laki na mga diamonds sa suot nilang jewelries.
“Pahinga muna si Aurora ngayon,” sabi ni Sharon.
Aurora ang name ng karakter ni Mega sa Ang Probinsyano.
Sundot pa ni Mega, “Top-rating pa rin kahit wala kaming prangkisa.”
May pahaging pa si Mega na ang katapat ng Ang Probisyano ay teleserye sa kabilang network na kinabibilangan ng “ex” niya na si Gabby Concepcion (na ‘di binanggit ni Sharon ang name).
Two days after ng concert ay balik-locked-in taping na raw si Sharon sa Ang Probinsyano.
Na-miss na nga raw niya dahil ang tagal na niyang ‘di nakapag-taping. At medyo nasa-sad din daw siya dahil nalalapit na ang pagtatapos ng aksiyon-serye after six years ng pamamayagpag nito sa telebisyon.
Gusto nga raw niya sana ay nandoon pa rin siya sa Ang Probinsyano hanggang magka-apo si Cardo Dalisay, ang karakter ng bidang si Coco Martin.
Personally, naaliw kami sa prod number nila sa kanta ng Kamikazee na Narda. Inungkat kasi nina Sharon at Regine that once in their movie career ay gumanap sila bilang si “Darna” with matching video clips mula sa magkahiwalay na Captain Barbell film nina Herbert Bautista (1986) at Ogie Alcasid (2003).
Pagre-reminisce ni Sharon, “Para ako maging Darna, inilagay ako sa Lazy Susan ni Direk Leroy at iniikot para mag-iba ako. Then, pinabilis na lang ng special effects ang pag-ikot ko. At that time, hindi pa ganu’n ka-advance to be Darna. I was only 20 years old then.”
‘Yun na!