Mga alaga, aayaw-ayaw pa raw… OGIE, PROUD NA NAGKA-BAHAY SINA VICE AT LIZA DAHIL SA KANYA
- BULGAR

- 1 day ago
- 4 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | February 16, 2026

Photo: IG / praybeytbenjamin, _ogiediaz & _lizasoberano
Kung may mahalagang lesson na naituro si Ogie Diaz sa mga dati niyang alaga na sina Vice Ganda at Liza Soberano, iyon ay ang pagpupundar ng sariling bahay.
Ito raw ang laging ipinapaalala ng talent manager-content creator noong siya pa ang humahawak sa showbiz career ng mga ito.
Well, may dala umanong suwerte ang bahay ni Vice Ganda sa Quezon City.
“Noong una, ayaw n’ya (Vice). Sabi ko, ‘Bumili ka ng bahay. Kailangan, may sarili kang bahay.’ Sabi n’ya, ‘Ma, bakla ako. ‘Di ako magkakaroon ng pamilya katulad mo,’ ganyan-ganyan,” ani Ogie sa panayam sa Rated R: The Rico Hizon Podcast.
Wika pa nito, “Sabi ko, ‘Hindi. Bumili ka. Paano ‘pag binawi ni Lord ‘yung boses mo pero buhay ka pa, paano? So at least, may maibebenta ka. Hayaan mo na, basta may bahay ka rito sa Quezon City na malapit sa ABS-CBN.’ So, we bought one, magkapitbahay pa nga kami.
“And it turned out na ‘yung bahay na ‘yun na binili n’ya na sinabi ko ay suwerte pala sa kanya.
“Kaya ‘di n’ya ‘yan mabenta-benta, kasi lahat ng manghuhula, ‘yan ang hula, masuwerte ang bahay n’ya.”
Iba naman daw ang ipinayo niya kay Liza noong kasagsagan ng kasikatan nito at ng love team nila ni Enrique Gil.
“Si Liza, noong nasa kalagitnaan kami ng kanyang career, ‘Kailangan kitang maikuha ng bahay. Importanteng may bahay ka.’ ‘Tito Ogie, okay na po kami sa upa-upa.’
“Sabi ko, ‘Hindi. Sisikat ka, anak. Kailangan mo ng sariling bahay.’ Ikinuha ko s’ya sa isang subdivision dito sa Quezon City.
“Alam mo, ginawa namin part of the deal ng kontrata n’ya sa ABS-CBN, pipirma ulit kami provided babayaran ninyo nang buo ang bahay ni Liza.
“Tapos, awas-awas na lang sa teleserye kada taping. ‘Yun ang ginawa namin. O, di nakaraos s’ya, eh, di mayroon s’yang bahay,” proud na sabi ng dating manager ni Liza Soberano.
Nadala na, namimili na lang…
ALESSANDRA, TINRAYDOR NG MGA KAIBIGAN
“DATI masaya ako na ang laki-laki ng circle ko, pero ngayon, konti na lang. Na-realize ko na ‘di pala lahat ay totoo at sila pa ang unang nag-betray sa akin,” ito ang sey ng aktres-writer na si Alessandra De Rossi sa interview sa kanya ni Bernadette Sembrano nang maging open siya sa masakit na karanasan ng pagkawala ng mga kaibigan niyang minsan niyang itinuring na parang pamilya.
Emote ng aktres, unti-unti nang nawawala ang kanyang mga kaibigan dahil ramdam niya na nawawala na siya sa sirkulasyon ng showbiz.
Hinagpis pa ni Alessandra, “Aminin, ganito rin tayo dati. ‘Yung tipong ang saya natin kasi ang dami nating kaibigan. But as we grew older, we realized we don’t actually need a big circle pala. Mas okay pala ‘yung konting kaibigan lang basta alam mong totoo sa ‘yo at nariyan sila sa good or bad times man.
“Matanda na rin tayo para mag-stay pa sa immature friendship. What we need now are friendships that prioritize dreams, goals, and growth, ‘di na drama, negativity, or gossip about other people’s lives.”
Pag-amin niya, “Ang kulang sa akin, boundaries. Ang taas ng tingin ko sa lahat ng tao up until they disrespect me. Parang dapat pala, una pa lang, alam ko na how to distance myself kasi this person can fail and betray me pala.”
Walang pangalan na binanggit ang aktres kung sino ang tinutukoy niyang nag-betray sa kanya.
“Dati, masaya ako na ang laki-laki ng circle ko, pero ngayon, konti na lang. Dati feeling ko, ang daming nagmamahal sa akin pero ‘di pala totoo ‘yun. Marami akong pagmamahal na maibibigay pero ayoko na s’yang i-waste sa mga maling tao.
“The lesson I learned about friendship is do not put your faith in people kasi masakit.
I’m glad for all those years na mayroon kami ng friends ko na nawala, pero thank God na ‘di na nadagdagan ‘yung years ko with them kasi ‘di naman pala sila totoo sa akin.
“They just wanted good times with you, but they won’t be there when you’re down. Sila pa ang unang mananakit at tatraydor sa ‘yo. Du’n ko na-realize na I’m surrounded by emotionally immature people and they don’t know how to talk about things. Bigla na lang silang nagagalit sa akin kaya napapatanong ako sa sarili ko kung may nagawa ba ako.
“Kaya ngayon, gusto ko na ng mga friends na awake. ‘Yung friends na nakatingin sa life at ‘di naka-autopilot. ‘Di mahilig sa luxury o sa puro kaartehan.
“Gusto ko na ‘yung friends na we can talk about life at hindi puro chismis lang. ‘Yung tipong I can learn from you and you can learn from me.”
Ito naman ang sey ng mga netizens sa naging pahayag ni Alessandra…
“True, indeed, mas konti mas better basta totoo at marunong mag-value ng pagkakaibigan.”
“Yes. Kahit iisa pa ‘yan, as long as mapagkakatiwalaan talaga, okay lang.”
“I feel you, Ms. Alessandra. ‘Di kasamaan ng ugali kung konti lang ang friends. Ibig sabihin, marunong tayong mag-filter kung sino ang totoong kaibigan na dapat i-value at pakisamahan.”
“Dati, iniisip ko na masama ba ugali ko, bakit konti lang ang friends ko? ‘Di pala, marunong lang talaga ako mag-filter. Dapat ‘yung totoo at marunong mag-value ng friendship. Walang comparison, walang competition at genuinely happy sa lahat ng achievements mo sa buhay. Kaya selective ako sa mga friends na makakatulong sa personal growth ko, may wisdom, may sense kausap, ‘di ‘yung puro chismis lang. Quality over quantity matters. Thank God, super blessed pagdating sa friendship.”
Payo naman ng isang commenter, “Do not put your faith and trust and love and time too much on people kasi masakit. In due time you will heal and when you look back, it is just one beautiful lesson you learned in life. Personally I take my time, let it all sink in, pray harder and eventually heal and forget. I look at it as a lesson na lang so I won’t bear grudge and hate on the person especially ‘pag may maganda namang pinagsamahan.
“Life is too short so I’d rather focus on those who matter, the people who want me in their lives without any conditions and judgments.”
True the fire, mga Ka-BULGAR!








Comments