top of page
SPECIAL - MARIEL, SWAK DAW KAY SEN. ROBIN DAHIL PAREHONG BOBO-IG _marieltpadilla.jpg

Mga absenerong senador, binanatan… KARYLLE, KAKAUSAPIN SI SEN. ROBIN SA MGA PROBLEMA SA SENADO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 20
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | June 20, 2026



Karylle at Robin Padilla - IG - FB

Photo: Vic, Vico Sotto at Coney Reyes - Instagram



May matinding pahayag si Karylle laban sa Senado sa June 16 episode ng morning radio show na Good Times (GT)


Binatikos niya ang kawalan ng kahusayan at katiwalian sa gobyerno, lalo na sa pagliban ng mga senador sa mga sesyon.


Aniya, may malulubhang bunga ang korupsiyon at hinimok ang mga opisyal na pagtuunan ng pansin ang kanilang mga tungkulin.


Tinalakay din ni Karylle ang mga isyung kinasasangkutan ng kanyang tiyuhin na si Sen. Robin Padilla at sinabing bukas pa rin siya sa pakikipag-usap dito.


“Oo, masyado nang matagal at ang dami na nilang oras na nasasayang sa dramang ‘to. Magtrabaho na kayo. Maging mahusay. Kailangang matapos ang mga bagay-bagay,” aniya.

“Namamatay ang mga tao dahil sa korupsiyon,” diin niya.


“So mad, like, iharap n’yo sa amin ‘yan! Iharap n’yo sa amin ang mga ‘yan!” sigaw niya.

Nabanggit din ng aktres ang mga napanood niyang balita tungkol sa pangangailangang humiling ng espesyal na sesyon ang pangulo ng Senado dahil sa maraming pagliban.

“Talaga?! Pumasok kayo,” pakli niya.


“‘Di ito tungkol sa pagkakaroon ng panig. Pumunta ka lang sa trabaho mo at gawin mo ang trabaho mo. Walang magpapaliwanag? Magpaliwanag ka!” dagdag niya.


Naging mas personal ang usapan nang mabanggit ng isa sa mga hosts si Sen. Robin Padilla na kamag-anak ni Karylle.


“Isa sa mga problema ay ang tito mo. Kinakausap mo ba s’ya tungkol dito?” tanong ng tagapanayam.


Nilinaw ni Karylle na tiyuhin niya si Sen. Robin at ang huli nilang pagkikita ay bago pa man lumitaw ang mga kasalukuyang kontrobersiya.


“I have directly spoken to… uhmmm his wife, Mariel, but this was a long time ago.

“Last time I saw him, yeah, he’s my uncle.”


Huli raw silang nagkita noong birthday ng kanyang grandfather.

“And none of this had occurred at that point. If I do see him, I would have a conversation,” sey niya.


Paliwanag ni Karylle, “I don’t like closing doors and doing periods. I love conversations.”

“How else will we have conversations with these people?” deklara pa niya.





After maudlot ang kasal sa Spain…

VINCENT, INALOK DAW NG CIVIL WEDDING SI BEA, TUMANGGI



TRUE kaya ang kumakalat na chika na gusto sanang pakasalan ni Vincent Co ang ex-fiancee na si Bea Alonzo kahit civil wedding na lang matapos na hindi matuloy ang dapat ay engrandeng kasal nila sa Spain nu’ng May 16?


Ayon sa source, mahal naman talaga nina Vincent at Bea ang isa’t isa, pero dahil nga sa magkaibang kultura at paniniwala nila, ‘yun umano ang naging problema.

In fact, niyaya nga raw ni Vincent si Bea na ituloy pa rin ang civil wedding pero tumanggi raw ang aktres. 


Ang tanong, wala na nga kayang second chance kina Bea at Vincent?





SMALL LAUDE, NAGSALITA NA SA PAGKASANGKOT NG ASAWA SA FLOOD CONTROL PROJECTS



MARIING itinanggi ng vlogger-negosyante na si Small Laude ang mga paratang na nag-uugnay sa kanyang mister na si Philip Laude sa isyu ng umano’y anomalya sa flood control projects.


Inamin niyang nagkaroon noon ng isang kumpanya si Philip kasama ang isang kaibigan noong 2018 o 2019. Pero aniya, hindi ito nagkaroon ng aktuwal na operasyon o negosyo.


Nang pumasok sa pulitika ang dating kasosyo, napagkasunduan nilang isara ang kumpanya.


Binigyang-diin niya, “They closed that company, so wala talagang negosyong nangyari.”

Dagdag pa niya, “Ewan ko nga, bakit naiintriga (kami), ‘yung flood control. Sobrang mali, ‘di talaga.”


Ayon sa ulat, nagsasagawa na rin ng legal na hakbang ang kanilang kampo.

Nauna nang naglabas ng pahayag ang pamilya sa pamamagitan ng DivinaLaw upang pabulaanan ang mga kumakalat na alegasyon.


Sa kasalukuyan, walang inilalahad na ebidensiya o opisyal na desisyon ng hukuman na nagpapatunay na sangkot si Philip Laude sa anumang katiwalian.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page