top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Mga abogado, tantanan na pagtatanggol kay Mayor Guo, para 'di bansang Pinoy lawyers na pro-China

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 29, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 29, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


KAPAG SI SEN. SONNY ANGARA NAPILING DEPED SEC. MAPAPANGALAGAAN ANG BUDGET NG KAGAWARAN AT MAGIGING DEKALIDAD ANG EDUKASYON SA ‘PINAS -- Matunog ang pangalan ni Sen. Sonny Angara na siyang ipapalit ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio bilang kalihim ng Dept. of Education (DepEd).


Sa totoo lang, karapat-dapat si Sen. Angara sa posisyong DepEd secretary kasi bukod sa abogado siya at matagal na panahong naingatan ang kaban ng bayan bilang chairman ng Senate Committee on Finance, ay may karanasan siya sa pagtuturo dahil naging propesor siya sa New Era University at Centro Escolar University.


‘Ika nga, kapag si Sen. Angara na ang DepEd sec. ay maayos niyang mapapangalagaan ang budget ng kagawaran at magiging dekalidad na ang edukasyon sa bansa, period!


XXX


DAPAT ISAMA NI PBBM SA KANYANG SENATORIAL LINE-UP ANG 3 DUTERTE, KUNG HINDI LALABAS NA KINAKALABAN NA NIYA ANG PAMILYA DUTERTE -- Matapos ianunsiyo ni VP Sara na tatlong Duterte ang kakandidatong senador, at ang mga ito ay ang kanyang amang si ex-P-Duterte, kuya na si Davao City Rep. Paolo Duterte at isa pang utol na si Davao City Mayor Baste Duterte, sinabi ni PBBM na “free country” ang ‘Pinas kaya’t kahit sino ay malayang kumandidato.


At sakaling siyam lang ang magiging manok ni PBBM sa 2025 senatorial election, ibig sabihin niyan ay bitbit niya ang kandidatura ng tatlong Duterte. Pero kung kukumpletuhin niya ang line-up o 12 ang kandidato niya for senator, at hindi kasama rito sina ex-P-Duterte, Pulong at Baste, ay nangangahulugan iyan na kinakalaban na niya ang pamilya Duterte, boom!


XXX


SIM CARD REGISTRATION ACT, SABLAY -- Isinabatas ang SIM Card Registration Act para raw wala nang nabibiktima ng text scam, pero ang masaklap ay marami pa ring nai-scam.


Patunay ‘yan na sablay ang SIM Card Registration Act, kasi kung hindi sablay ang batas na ito, sana ay wala nang nabibiktima ang mga sindikato ng text scam sa ‘Pinas, period!


XXX


DAPAT TANTANAN NA NG MGA ABOGADO NI ALYAS ‘ALICE GUO’ ANG PAGTATANGGOL DITO PARA HINDI SILA MASABIHANG MGA PINOY LAWYER NA PRO-CHINA -- Tinuldukan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsisinungaling ni Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac nang lumabas sa pagsusuri ng ahensya na match ang fingerprints ng mayora at ni Guo Hua Ping, na ibig sabihin, Chinese national siya at hindi Pinay.


Ngayong napatunayang Chinese national ang mayora, dapat tantanan na ng mga abogado ni Guo Hua Ping alyas “Alice Guo” ang pagtatanggol dito, at huwag na nilang ipagpilitang Pinay ito kasi kung patuloy nilang dedepensahan, lalabas na ang mga Pinoy lawyer na ito ay mga pro-China, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page