Mexican actor na leading man noon ni Thalia… FERNANDO CARILLO, TODO-SUPORTA KAY PACQUIAO KAHIT TALO
- BULGAR
- Aug 24, 2021
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | August 24, 2021

Natalo man sa laban sa boksing si Sen. Manny Pacquiao, inulan pa rin siya ng pagbati sa iba't ibang panig ng mundo.
Isa na d'yan ang dating Mexican telenovela actor na si Fernando Carillo. O, 'wag n'yong sabihing nakalimutan na ninyo ang famous leading man ni Thalia sa mga telenovela na kinabaliwan ng mga Pinoy noon.
Bago pa man nauso ang Koreanovela or Asianovela, nauna nang kinakiligan ng mga Pinoy ang mga Mexican telenovela ni Thalia lalo na 'yung with Fernando Carillo na Rosalinda.
Anyway, sa madamdaming mensahe ni Jinkee Pacquiao para sa kanyang mister na si Sen. Manny sa kanyang Instagram account, kahit natalo ay makikita ang mga pagbati ng mga celebrity friends ng mag-asawa sa comment section.
Pero nagulat talaga kami when we chanced upon 'yung naka-post na comment ni Fernando Carillo sa IG story ni Jinkee.
Sey ng Mexican actor, “Beloved brother in CHRIST; YOU are and will always be THE CHAMPION OF ALL THE PEOPLE, THE CHAMPION OF THE WORLD and above all, THE CHAMPION OF GOD. Vegas is not a good place. I feel you were robbed. But that’s just my humble opinion. Win, lose or draw, YOU ARE ALWAYS A WINNER and THE BEST IS YET TO COME. I know and I feel that GOD has a beautiful plan for you and your amazing family. We hope to see you soon. Love and endless blessings from us to you. Ferr, Gaby and Baby Milo. We love you brother.”
Tinawag na “brother in Christ” ni Fernando si Sen. Manny. So, we guess Christian na rin pala si Fernando.
Sinilip namin ang kanyang Instagram, may post siya na short video kung saan binabasahan siya ni Sen. Pacquiao ng ilang verses sa Bible habang very attentive naman na nakikinig si Fernando.
Waiting naman kami na baka mag-post din ng comment si Keannu Reeves sa IG story ni Jinkee. Eh, 'di ba nga, dumalaw pa si Keannu sa bahay ng mga Pacquiao sa US dati?
Ang bongga kaya kapag inimbita ni Sen. Pacquiao sina Keannu at Fernando na sumama sa kanyang political campaigns kapag itinuloy niya ang planong pagtakbo sa pagka-presidente next election.
Tiyak, winner 'yun!








Comments