top of page

Kaya maraming namatay sa baha sa Cebu… KAREN: MARAMING PULITIKO ANG NALILIGO SA NAKAW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 10, 2025



TALKIES - KAREN_ MARAMING PULITIKO ANG NALILIGO SA NAKAW_IG _iamkarendavila

Photo: IG @iamkarendavila



“Please stop stealing,” ito ang pakiusap ng mahusay na broadcast journalist na si Karen Davila sa kanyang latest post sa social media platform na X (dating Twitter) matapos manalasa ang Bagyong Tino sa Cebu na nagdulot ng matinding baha kamakailan lang.


Saad ni Karen, “HOW CORRUPTION MAY HAVE COST LIVES. 188 dead and rising.

“The worst flash flood in the history of the province. Cebu has 414 flood control projects worth P26.7 billion from 2022 to 2025 – meant to protect our people, homes, and livestock. What happened?!


“At hindi lang ito sa Cebu province, buong Pilipinas binabaha dahil ninanakaw lang naman ang flood control. Extreme weather conditions will only worsen.


“It is a part of the world we live in today. What breaks my heart is seeing how our people are suffering because of systemic corruption.


“Nakakaawa ang ordinaryong Pilipino. Habang nagdurusa sa hirap at kalamidad, maraming pulitiko ang naliligo sa nakaw. PLEASE. STOP. STEALING.”


Sad to say, Karen, lalong naghihirap ang mahirap dahil sa baha. Ingat na lang, madlang people.



May pagbuka rin ng mga lupa…

RUDY BALDWIN: BAGYO, BAHA, LINDOL, SUNOG, TULOY SA 2026



MAY bagong vision na naman diumano ang nakilala online na manghuhulang si Rudy Baldwin.


Bago simulan ni yours truly ang pagsusulat ng vision niya ay nakaugalian ko nang magdasal at sinasabi ko agad, “I rebuke you in the name of Jesus. Amen.”


Kuwento ni Rudy sa Facebook (FB) post niya, “November 7, 2025 #CALABARZON Vision. Bago ang lahat, nais ko ipaalam ulit na ako ay isang psychic visionary na kung ano man ang ipinakita ng Diyos sa akin ay hanggang doon lamang ang aking masasabi.


Kahit kailanman ay hindi ko ginusto na mangyari ang mga vision ko ngunit kailangan kong maiparating sa inyo dahil ganu’n tayo kamahal ng Diyos. ‘Wag ninyong tingnan sa negatibong pananaw lahat ng post ko.


“Maging handa dapat ang lahat, nasa inyo ito kung paniwalaan ninyo o hindi. Ang mahalaga, magdasal tayo dahil may Diyos at nakikinig Siya sa atin. Huwag ninyo gawing katwiran na kung may Diyos, dapat ‘di na nangyari lahat ng ito, dahil kadalasan, tao ang gumagawa ng ikapapahamak ng kapwa.


“Pasalamat pa rin tayo na tayo ay ginabayan ng Diyos Ama. Hindi man Siya bumaba sa lupa para balaan tayo ngunit ipinakita Niya sa mga taong tulad ko na maihambing kay Noah. Lagi tandaan, tao lamang ako, hindi ako Diyos o propeta.


“Kung ano man ang ipinakita sa akin ay hanggang doon lamang ang masasabi ko dahil Diyos pa rin ang may alam sa lahat.


“CALABARZON, maging handa dahil nakikita ko sa vision ko ang pangyayaring paulit-ulit na umiikot sa mga lugar na sakop ng CALABARZON, paulit-ulit na yanig kung saan may lindol na sinabayan ng bagyo.


“Mangyayari ito ng tatlong beses, kahit sa susunod na taong 2026. May pangyayari akong nakita na kung saan paikut-ikot ang mga hayop na animo’y nag-uusap at nagbibigay ng babala sa bawat lugar. Kahit dagat ay lumapit sa dalampasigan ngunit huwag magpakampante dahil ito ay babala.


“May tatlong bagyo na magla-landfall. May mga nakita akong bitak at butas na pabilog, isang butas sa kalupaan at tubig ang pangyayari kahit sa panahon na walang kalamidad. Isang mahabang biyak sa lupa na halos hinati ang bahagi ng lupa, animo’y ilang lugar na pinaghiwalay. Ito ay bahagi ng hamon ng kalikasan. May isang maliit na butas o hugis ng mahabang kidlat na kung saan ang singaw o buga nito ay nagbigay ng kapahamakan sa tao.


“Sa taong ito at sa taong 2026, may mangyayaring ilang araw na pag-ulan na walang tigil na siyang dahilan upang magmukhang dagat ang mga lugar. Lalo na sa taong 2026, maraming pinsala. Ang kasakiman ng ibang tao ang dahilan ng kapahamakan ng iba. Kailangan ninyo akong tulungang magdasal dahil sa Diyos, walang imposible.

“Mag-ingat ang lahat sa sunog dahil sa vision ko, may sunog na hindi mo maunawaan dahil sunog ito na kakatapos lang ng isa ay susundan agad ng panibago. Animo’y sunog na nagkasagutan, apoy na sagutan sa bawat lugar.


“Maging maingat sa lahat ng bagay na maaaring maging sanhi ng sunog at aksidente sa himpapawid na mangyayari sa CALABARZON. Maging maingat ang lahat at ‘wag kalimutang manalangin palagi. ‘Wag po kayong magalit sa akin dahil ipinakita lang ng Diyos sa akin ito bilang babala.”


Well, mas makabubuti kung magdasal tayo, mga madlang people, para maging safe tayong lahat sa anumang kalamidad. 

Ganern!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page