Mettle Strength, panalo sa Metro Turf, Malvar
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | January 5, 2022
Inangkin ni Mettle Strength ang unang panalo ngayong 2023 matapos magpakitang gilas sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System kagabi sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas.
Pumuwesto sa pang-lima si Mettle Strength upang panoorin ang mga matutulin sa largahan na humarurot agad sa unahan.
Tangan ni Action Rules ang unahan ng parematehin ni jockey Yson Bautista si Mettle Strength sa far turn. Pagsapit ng huling kurbada ay nakapitan ni Mettle Strength sa unahan si Action Rules at maging si Dollarama na lumabas ng bugaw ay nakihalo sa bakbakan.
Umabot hanggang meta ang bakbakan ng tatlo at nanaig si Mettle Strength ng may kalahating kabayo ang agwat sa pumangalawang Action Rules.
Nirehistro ni Mettle Strength ang tiyempong 1:14.4 sa 1,200 meter race sapat upang hamigin ang karagdagang premyo na P10,000 para sa winning horse owner.
Samantala, upang mas mapaganda ang karera at mapasaya ang mga karerista ay dinagdagan ng pamunuan ng Mero Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ng cash ang Pot Money sa lahat ng races na ilalarga.
"Added P2,500 Pot Money for all win betting event in all races, subject to tax," anunsiyo ng Metro Manila Turf Club Inc, (MMTCI), management.
Pagkatapos ng karera kahapon ay bukas, (Biyernes) na ang susunod na racing schedule na gaganapin pa rin sa pista ng Metro Turf.
Sa programa ng karera naka post na sa Enero 6 ang susunod na bakbakan sa karerahan habang ang declarasyon ng pagsali ay kahapon tinanggap.
Ngayong araw ang bolahan at malalaman kung ilang races ang magagawa, dedepende ito sa mga maghahayag ng pagsali.





Comments