top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 17, 2026



MALAKASANG finals ang aabangan sa pagitan nina alamat Lionel Messi ng Argentina at Lamine Yamal ng Spain sa FIFA World Cup. 												(fifapix)

Photo: Malakasang finals ang aabangan sa pagitan nina alamat Lionel Messi ng Argentina at Lamine Yamal ng Spain sa FIFA World Cup. (fifapix)



Laro sa Linggo - Hard Rock

5 AM Pransiya vs. Inglatera (para 3rd)


Lumikha muli ng milagro ang defending champion Argentina sa 2-1 panalo sa Inglatera kahapon sa Mercedes Benz Stadium sa Atlanta para pumasok sa FIFA World Cup 2026 Finals. Haharapin nila ang Espanya para sa tropeo sa Lunes sa MetLife Stadium sa East Rutherford, New Jersey.


Nakuha ni kapitan Leo Messi ang bola nang tumalbog ito sa kanang poste sa sipa ng kakamping si Alex MacAllister. Ipinasa niya ito patungo kay forward Lautaro Martinez na tumalon at inulo papasok para sa nagpapanalong goal sa ika-92 minuto.


Naghintay hanggang ika-85 para naitabla ng malayong sipa ni midfielder Enzo Fernandez ang laban sa 1-1 salamat din sa pasa ni Messi. Nagdagdag ng 9 na minuto ang reperi matapos ang 90 at iyan ang pagkakataon ng Albceleste para maagaw ang resulta.


Bago noon ay pinalitan ni Martinez si defender Nicolas Tagliafico sa ika-81 at nagbunga ang balasa ni Coach Lionel Scaloni. Walang goal si Messi subalit ang kanyang ipinakita ay sapat para mapiling Man Of The Match.


Matinding dalamhati ang bumalot sa mga Ingles na limang minuto na lang ang kinailangang bunuin para makalaro sa finals. Nanatiling perpekto ang Argentina sa pitong semifinal na nakapasok sila. Tuluyang nagkampeon ang Albiceleste noong 1978, 1986 at 2022 at pangalawa noong 1930, 1990 at 2014.


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 12, 2026



Jimmy Alapag - NLEX Road Warriors

Photo: Merino



Laro ngayong Linggo - Quarterfinals

5 AM Norway vs. Inglatera

9 AM Argentina vs. Switzerland


Bayani sa pangalawang sunod na laro si reserba Mikel Merino at itinulak niya ang Espanya sa 2-1 panalo kontra Belgium sa pagpapatuloy ng FIFA World Cup 2026 Playoffs kahapon sa SoFi Stadium sa Inglewood, California. Haharapin ng mga Kastila sa semifinals ang Pransiya sa Miyerkules.


Ipinasok si Merino sa ika-86 minuto para kay Dani Olmo at 2 minuto pa lang nakatapak sa damo ay inihatid ang nagpapanalong goal. Nabitiwan ng kakapasok din na goalkeeper Senne Lammens ang bola at gumulong ito sa naghihintay na mga paa ni Merino.


Nakaunang goal ang Espanya nang tapikin palayo ni goalkeeper Thibaut Courtois ang sipa ni Olmos pero napunta kay Fabian Ruiz na ipinasok ito sa ika-30. Nakabawi agad ang Red Devils at pinantay ang talaan sa 1-1 sa goal ni Charles de Ketelaere sa ika-41.


Napilay sa binti si Courtois at kinailangang palitan ni Lammens sa ika-71. Ito ang kanyang unang aksyon sa torneo at naging matatag hanggang dumating si Merino.


Magwawakas ang quarterfinals ngayong Linggo tampok ang sagupaan ng defending champion Argentina at naghahamon Switzerland sa Arrowhead Stadium ng Kansas City. Aabangan din ang labanan nina Harry Kane at Inglatera kontra Erling Haaland at Norway sa Hard Rock Stadium sa Miami.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 26, 2020




Pumanaw na ang Argentine soccer legend na si Diego Maradona sa edad na 60 dahil sa heart attack noong Miyerkules.


Ayon sa Argentinian media, nakaranas ng heart attack si Maradona sa kanyang tahanan sa Buenos Aires.


Ilang linggo bago ang insidente ay sumailalim din umano si Maradona sa emergency surgery para sa subdural haematoma.


Si Maradona ang naging captain ng soccer players ng Argentina nang masungkit nila ang World Cup noong 1986.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page