Meralco, nagbukas ng bidding para sa 900-MW power supply

by Mervin Reyes @News | September 30, 2026

Photo: File
Sinimulan na ng Manila Electric Company (Meralco) ang bidding o competitive selection process (CSP) para sa 900-megawatt (MW) baseload power requirement nito na magsisimula sa 2031.
Ayon sa Meralco, inilunsad ang CSP matapos maglabas ang Department of Energy (DOE) ng Certificate of Conformity para sa Terms of Reference (TOR) ng Power Supply Agreements (PSAs).
Inimbitahan ng Meralco ang mga power generation company na magsumite ng Expressions of Interest sa Bids and Awards Committee para sa PSAs hanggang Oktubre 15, 2026.
Itatakda naman ang pre-bid conference sa Nobyembre 6, habang Disyembre 9 ang deadline ng pagsusumite ng bids.
Ayon sa Meralco, ang 15-year PSA na magmumula sa CSP ay sasaklaw sa 600-MW supply pagsapit ng Pebrero 26, 2031, at karagdagang 300 MW pagsapit ng Pebrero 26, 2032, subject sa pag-apruba ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Sinabi ng Meralco na layunin ng CSP na matiyak ang sapat at maaasahang suplay ng kuryente para sa lumalaking pangangailangan ng kanilang mga customer.





Comments